Advertisers
MARAMI ang nabulabog nang muling lumabas itong si Attorney Levito “Levi” Baligod na nagsasabing mayroon siyang matitibay na ebidensiya laban sa mga lider ng ating bansa na may bahid ng korupsiyon.
Kasama ni Baligod ang labing-walong (18) Marines na sinasabing mga comrades ng surprise witness na si Master Sgt. Orly Regala Guteza
Ang sabi nitong dating 2016 senatorial candidate na si Baligod may mga affidavit din ang mga Marines na a
kanyang kasama, na inilalahad ang kanilang partisipasyon sa paghahatid ng limpak-limpak na salapi sa bahay o’ opisina ng mga politiko.
Sino sino ang mga politikong ito? Sa dami ng mga pinangalanan, nagulat ako sa tatlo sa kanyang mga nabanggit na mga Kongresista. Ito ay sina Francisca “France” Lustina CASTRO, Arlene BROSAS at Raoul MANUEL.
Ang mga ito ay kilalang matatapang na mambabatas. Lumalaban para sa katotohanan ika nga. Pero kung madadawit ang kanilang mga pangalan sa larangan ng korupsiyon, sa pagtanggap ng suhol o’ pangbubulsa ng pera mula sa kaban ng bayan, hindi ba dapat na sila ay magpaliwanag?
Hindi na muna natin pag-uusapan ang kanilang mga kaugnayan sa Communists Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). Alam na rin naman ito ng karamihan. Ngunit kung sa kanilang paglilinis-linisan at pasigaw-sigaw na sila ay makabayan, aba, kanilang paliwanag pa rin ang ating kailangang marinig.
Bakit kayo korup? Hindi ba dapat nilang sagutin yan? Accountability ang nakakabit sa lahat ng may posisyon sa pamahalaan, mula sa taas hanggang sa pinaka-mababang posisyon sa gobyerno. Kaya kailangan natin ng kasagutan.
Kung talagang may paninidigan itong sila CASTRO, BROSAS at MANUEL, dapat ay humarap sila sa bayan at sabihing hindi sila KORUP!
Ang pasabog ni Baligod at ng mga Marines na kanyang kasama ay matinding pagsisiwalat. Sabi nga nila matibay ang kanilang mga ebidensiyang hawak, na sina CASTRO, BROSAS at MANUEL ay mga KORUP.