Advertisers

Advertisers

GRUPO NG MGA PROFESSIONAL SQUATTER AT ILANG BARANGAY CHAIRMAN SA Q.C., UNTOUCHABLE AT SUPER-LAKAS SA KINAUUKULAN

0 16

Advertisers

Untouchable at super duper lakas umano sa KINAUUKULAN ang GRUPO NG MGA PROFESSIONAL SQUATTER at ILAN BARANGAY CHAIRMAN na siyang pumuprotekta sa mga ito sa pagpa-patayo ng mga illegal na istruktura sa lupang hindi nila pag-aari sa Quezon City.

Sa kabila NG MGA batikos at ulat na tinatanggap ng nasabing GRUPO at ilan mga chairman na kunsintidor, nagkikibit-balikat lang daw ang mga ito dahil mga sa malakas sila sa KINA-UUKULAN particular na sa ilan departamento sa Quezon city.

Kaya pala ganon kalakas ang loob ng mga ito lalo na sa kanilang illegal na gawain at hanapbuhay na basta na lang ookupahan ang lupa na hindi nila pag-aari.

Ito umano ay bunga na rin ng basbas at kunsinti ng ilan mga chairman na nakakasakop ng lupang tatayuan nila ng illegal na istruktura.

Mantakin niyong sa isang kumpas lang ng chairman ay magagawa na nila ang kanilang plano sa illegal na paraan na hindi dadaan sa proseso.

Biruin mong kahit walang pinanghahawakan at pinapakitang titulo ng lupa ay naisasagawa pa rin nila ang pagpapatayo ng illegal na istruktura sa lupang hindi nila pag-aari.

Ewan natin kung bakit naka-kalusot ang mga ito samantalang ang unang requirement na HINI-HINGI ay ang titulo ng lupa na papakita mo sa chairman bago ka isyuhan ng building permit na ipre-presinta mo naman sa city hall para sa approval.

Ayon sa ating inpormante, pera-pera lang daw at lakas ng loob ang puhunan ng mga ito.

May malaking pondo rin daw ang mga professional SQUATTER kung kaya’t lahat ng tao ay kanilang nasusuhulan upang maisagawa ang kanilang illegal na pagpapatayo ng mga illegal na istruktura in hook or by crook.

Malakasan din daw kung gumastos ang mga ito dahil hindi na gawa sa mga light material ang kanilang istruktura kundi sa bato at marmol na kung magkagibaan man ay matibay.

May dumulog sa ating Isang 93-anyos na lola na uugod-ugod na hinggil sa lupa niya sa BARANGAY batasan hills sa Q.C. na may sukat na 500 square meters.

Ito aniya ay halos apat na dekada na niyang binabayaran ng amilyar na ang huli ay nitong kasalukuyan g Taon 2026, law-abiding citizen si Lola.

Laking dismaya niya ng bisitahin niya minsan ang kanyang lupa sa 112 Presidential st.corner Executive st., Brgy. Batasan Hills, Q.C.

Mantakin mong kung anu-anong mga istruktura na ang nakatayo sa kanyang lupa ng wala siyang kamalay-malay.

Meron daw dalawang three storey building, limang pintong apartment, hardware at iba pang paupahang mga bungalow, ito ay gawa sa bato at marmol.

Sa kanyang pagtatanong, nakilala niya ang mga squatter na umo, okupa dito na pinamumunuan ng isang Ricardo Resterio.

Ito ay pina-upahan niya naman kina Pedro Sy Macario Jr., Marife Zamora, Asuncion ganat, Beth Elponce at Jaime amador.

Nabatid niyang higit sa dalawang dekada na pala itong nakatayo at pinagkikitaan na nguni’t di niya alam.

Ayon sa mga okupante, alam na daw ng chairman ng panahong iyon ang pinatayo nilang mga istruktura at aprubado naman daw ito ni chairman.

Panahong nangyari ito chairman, may pinakita bang titulo oland title ang mga ito?

A N Y A R I at M A G K A N O Chairman?