Advertisers
MALAKING kahihiyan na naman sa Philippine National Police (PNP) na may miyembro ng Southern Police District ang escort sa pagtakas ng itinuturing na pugante ng International Criminal Court (ICC) na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa.

Kung si PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ay kasing tapang ni PNP Dir. General Nicolas Torre III na walang takot magpatupad ang batas, ay hindi mangyayari ang kapalpakan ng ilang mga senatong na “nagpatakas” kay Bato. Nadamay tuloy sa kahinaan ng PNP si DILG Secretary Jonvic Remulla.
Makakatulong at mapapawi ng kahit papaano ang silakbo ng panawagang kusang magdemite sa kanilang tungkulin o kaya tanggalin ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos sina Nartatez Jr. at Remulla kung maipaaaresto ng mga ito ang mga indibidwal na mistulang anay na sumisira sa imahe ng kapulisan sa CALABARZON.
Sina alyas Adlawan na isang nasibak na police sergeant ng Davao at alyas Magsino na inaresto noong nakaraang taon ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group Regional 4A Field Unit sa kasong robbery extortion at illegal possession of firearm and ammunitions ay umiikot sa mga lalawigan ng CALABARZON upang mangikil sa mga ilegalistang operator ng ilegal na STL bookies; saklaan; peryahan na pulos sugalan (pergalan) na may shabuhan; smuggling, paihi ng oil at petroleum product at fake na imported na sigarilyo; illegal mining, quarry at logging; illegal terminal at colorum van; at iba pang labag sa batas na kitaan.
Huhupa ang panawagan na mag-resign sina Nartatez Jr. at DILG Sec. Jonvic Remulla o kaya ang pagsibak sa kanilang pwesto, kung maipapaaresto, makakasuhan sa korte at tuluyang maipakukulong sa New Bilibid Prison (NBP) ang isang alyas Adlawan at Alyas Magsino.
Gamit na panakot sa kanilang “protection racket” ay ang mga pangalan ng tanggapan ng CIDG RFU 4A, Batangas CIDG Provincial Unit, pati na ang tila walang kamalay-malay na tanggapan ng PNP Region 4A Director BGen. Hansel Marantan at National Bureau of Investigation Region 4A Office Atty. Claro De Castro?
Sa lakas ng hataw sa mga ilegalista ay kahit na walang legal na hanapbuhay si alyas Sgt. Adlawan ay naging milyonaryo na at nagkaroon ng farm ng libu-libong imported na sasabunging manok sa Sto. Tomas City, mala mansyon na bahay at magagarang sasakyan.
Si Magsino na dapat ay naghihimas ng rehas sa kulungan ay hinihinalang dinakip sa moro-moro lamang na raid at sa halip na kasuhan ay “minanok” at ginamit ng ilang police official sa malawakang pangongotong sa Batangas at Laguna.
Panakot ni alyas Magsino ay aarestuhin ang mga nagpapatakbo ng higit sa 100 pasugalan, kabilang na ang mga pwesto pijo o permanenteng gambling joint malapit sa Lobo Municipal Hall, sa tabi ng Andok’s sa bayan ni Lobo Mayor Geronimo Alfiler; ng mga pergalan na may bentahan ng shabu ng isang alyas Malou sa Brgy. Mataas na Lupa sa munisipalidad ni Lemery Mayor Ian Alilio; pergalan sa Brgy. San Isidro, Sto. Tomas City, sa bayan ng Calatagan ng isang alyas Tomboy, Onad at Pajon; saklaan sa Nasugbu, Padre Garcia, Cuenca, Lipa City, at Tanauan City at may 50 peryahan/shabuhan sa lalawigan ng Batangas.
Gamit naman ni alyas Sgt. Adlawan ang isang alyas Brodpit sa kotong sa operator ng mga pasugalan ng isang Mang Bert sa Antipolo City, Dodie Bakla sa C6 Floodgate Bypass Road, Taytay; Nesty sa malapit sa Binangonan Municipal Hall at Tomboy sa Brgy. Pag-asa sa bayan din ng Binangonan. Iniuulat ang mga itong gatasan di lamang ng maraming pulis kundi maging ng ilang mga provincial at local official.
Sa Calamba City at Cabuyao na talamak ang operasyon ng pilferage/paihi, mga puesto pijo na sugalan sa Sta. Rosa City at Binan City nina alyas Judith, Maclang at Tomboy, ay si Magsino din ang enkargado ni Adlawan. Sa Cavite na home province nina Remulla ay isang Hero ang di lamang police tong koletor, kundi shabu pusher din sa kanyang mga pinatatakbong saklaan sa Alfonso, Maragondon, Magallanes, Naic, Ternate, Bailen, Noveleta, Indang, Silang at mga siyudad ng Bacoor Dasmarinas at Cavite.
Kasosyo din si Hero sa operasyon ng 2D, pick 3 bookies, lotteng, online gambling at sakla ng isang alyas Jun Toto sa halos lahat na siyudad at mga bayan sa Cavite. Isinisisi ang kawalang aksyon laban sa operasyon ng mga iligal na ito hindi lamang sa mga Remulla, kay BGen. Marantan at higit sa lahat kay Cavite OIC PD Col. Ariel Red? May karugtong…
***
Para sa komento: Cp.# 0966 406 6144