Advertisers

Advertisers

PROBLEMA ANG SENADO BILANG IMPEACHMENT COURT

0 3

Advertisers

ISANG beses pa lang nagpulong ang Senado bilang impeachment court. Maraming detalye ang dapat ayusin upang maharap ang tungkulin na iniutos ng Saligang Batas na litisin si Misfit Sara sa mga paratang na nakapaloob sa Articles of Impeachment na isinumite sa Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives) sa Senado kamakailan.

Gayunpaman, lumalabas na ang problema ay ang Senado. May mga senador na inakusahan ng paglabag sa batas. May tatlong senador na kasama umano sa pandarambong ng salapi ng bayan kaugnay sa flood control scandal. May dalawang senador na malaki ng suliranin ng negosyo ng pamilya sa gobyerno. May isang senador na ang problema ay ang anak na nahaharap sa hindi pagtupad sa bilyong pisong kontrata sa gobyerno.

May malaking problema ang lider ng Senado na si Alan Peter Cawatano na maaaring maharap sa bintang na obstruction of justice dahil namuno siya umano sa pagtakas ni Bato dela Rosa, ang pugante sa batas na pagkatapos ng pagtatago ng anim na buwan ay biglang lumabas upang agawin ni Cawatano ang liderato ng Senado kay Tito Sotto.

Batay sa pagsisiyasat ng PNP at ito’y ibinulgar ng kanilang hepe na si Hen. Jess Nartatez na hindi totoo na inatake ang Senado nong gabi na nagkaroon ng putukan doon. Sa maikli, gawa-gawa iyon at kasama si Cawatano at Mao Aplasca sa drama. Umamin kahit si Jonweak Remulla, ang walang silbing kalihim ng DILG, na walang pag-atake sa Senado.

Lumabas sa pagsisiyasat na kinumbida ng mga lider ng GSIS ang mga tauhan ng NBI dahil nagpatawag ang puwersa ni Misfit Sara at Bato ng “people power.’ Layunin ng liderato ng GSIS na pangalagaan ang mga artwork na nasa pag-iingat ng GSIS. Nagkakahalaga umano ang mga iyon ng bilyon-bilyong piso.

Sa maikli, malaki ang problem ng Senado bilang impeachment court dahil marami sa kanilang kasapi na uupo bilang hukom ang walang karapatan na maging hukom. Marami sa kanila ang may malaking problema sa integridad. Hindi magkakaroon ng kredibilidad ang Senado bilang impeachment court. Hindi papaniwalaan ang anumang hatol sa mga paratang kay Misfit.

***

PALAGING may baha sa Davao City tuwing uulan doon. Ito ang dahilan kung bakit naghatag ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Kin Antonio Tinio ng ACT Teachers Party List na humihingi ng masusing imbestigasyon sa mga proyekto sa programang flood control sa daluyan g tubig malapit sa Matina River.

Ayon sa ulat, distrito ito ni Polong Duterte na tumanggap ng P52 bilyon bilang kinatawan ng distrito noong panahon na ang kanyang ama ang pangulo ng bansa. Kinilala ni Tinio na abot sa P4.4 bilyon ang mga proyektong kuwestiyonable. Boo ang loob ni Tinio na mabubulgar si Polong sa kanyang kalokohan at pandarambong umano sa kaban ng bayan.

***

PINAKAMAGANDA ang ginawa ni Sonny Trillanes. Nagtatalak si Rodente Marcoleta tungkol sa pagdating ni Trillanes sa araw na ihatag sana ng mga tauhan ng NBI ang arrest warrant laban kay Bato sa Senado. Hindi kumporme si Rodente sa pagdating ni Trillanes kaya nagpuputak siya na parang puta na hindi binayaran at tinakbuhan ng parukyano.

Hindi siya sinagot ni Trillanes. Nagmukhang tanga si Rodente. Mistulang kinausap ang sarili. Hindi rin siya pinansin ng maraming netizen. Mistulang nag-shadow boxing lang. Wala siyang magawa dahil walang pumatol sa kanya. Iyan ang pinakamagandang trato sa kanya. Huwag siyang papansinin at bibigyan ng halaga. Masakit sa ego niya iyan.

***

HABANG tuluyang nalusaw ang reputasyon ng Senado bilang impeachment court, hindi nagpadala ang pangkat ng mga taga-usig mula sa Camara. Handa ang team of prosecutor sa kanilang pagharap sa Senado upang usigin si Misfit Sara sa mga paratang batay sa Articles of impeachment na isinumite ng Camara sa Senado.

Pinangungunahan ni Kin. Jinky Luistro ang prosecutors’ team mula sa Camara. Si Luistro ang kasalukuyang chair ng House Committee on Justice na duminig sa mga reklamong impeachment na isinumite ng apat na magkakahiwalay na grupo laban kay Misfir Sara.

“We commend the action of the Senate of the Philippines for responding to the mandate of the Constitution… Nevertheless, let us all be reminded that what is mandated to be forthwith is not only the convening, it is the trial that is mandated to be forthwith… We therefore look forward to the fact that after the pretrial, we will immediately proceed to the presentation of witnesses, presentation of evidence, and consequently, to the judgment,” ani Luistro. “By judgment, it’s only either acquittal or conviction.”

Sa pagharap ng mga taga-usig sa isang pulong balitaan noong Martes, nilinaw ni Kin. Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Party List na hindi siya gumaganti sa mga Duterte sa ginawang pang-aapi sa kanya ni Gongdi noong siya ang pangulo. Aniya: “Alalahanin po natin that this is also due process for VP Sara. So pagkakataon niya ito. “It’s time for her to face and answer the accusations against her…

“Kung walang kasalanan, dapat walang iniiwasan o walang dapat iwasan. Wala rin dapat pagtatakpan at hindi dapat ito hinaharang… So well I guess I heard from the news that the counsels of VP Sara will be responding to the summons by filing the appropriate answer… So pagkakataon niya ito. This is due process for her.”

Kasama ni Luistro ang mga sumusunod na taga-usig: Kins. Terry Ridon (Bicol Saro Party-list), Ramon Rodrigo Gutierrez (1-Rider Party-list), Ysabel Maria Zamora (San Juan City), Lorenz Defensor (Iloilo 3rd District), Jose Manuel Diokno (Akbayan Party-list), Leila de Lima (Mamamayang Liberal Party-list), Kaka Bag-ao (Dinagat Islands), Jonathan Keith Flores (Bukidnon 2nd District), Lordan Suan (Cagayan de Oro 1st District) at Joel Chua (Manila 3rd District).