Advertisers

Advertisers

PURO PORMANG PROGRAMA NG Q.C.

0 6

Advertisers

MAGANDA ang layon ng pamahalaang Lungsod ng Quezon na ilapit sa tao ang serbisyong handog sa mga taga Lungsod. Nagpapababa ng maraming serbisyo kuno ang pamahalaang Lungsod ng Quezon sa Brgy. Krus na Ligas para sa kaarawan ng puno ng barangay. May mga natuwang residente subalit ‘di ganap dahil sa asal na ipinamalas ng ilang kawaning pinababa na walang konsiderasyon sa mga pumunta, higit sa Senior Citizen na may kabagalan sa paglalakad patungo sa pinagdadausan ng serbisyong handog.

Sa totoo lang, unang nagtungo sa pinagdadausan ang matandang lalaki upang alamin o suriin ang mga serbisyong handog. Nang mabatid, kagyat na umuwi at ipinabatid sa asawa ang ilang serbisyo alay ng Pamahalaang Lungsod. Walang pag-aalangan, kagyat na nagtungo sa lugar na pinagdadausan ng handog na serbisyo kasama ang matandang babae upang makibahagi sa nagaganap. At sa pagdating, tumambad na tapos na kuno ang banggit na serbisyong handog, ang pag-gugupit.

Ang kasabikan na makaranas ng tuwirang serbisyong ibinababa’y tila malamig na tubig na ibinuhos sa mag-asawang matanda na tinanggihan ng mga kawani dahil sa tapos na ang oras sa panggugupit. Sa totoo lang, walang banggit sa anunsyo ng tagapag-ulat mula sa Brgy ng Krus na Ligas limitado sa oras ng serbisyong ibibigay. Uulitin, walang pabatid sa oras kung kailan o anong oras matatapos ang handog na serbisyo na dahilan ng pagsilip kung tama na ang oras upang magtungo sa pinagdadausan ng alay na serbisyo. Sa pagdating, inayawan ang matandang babae na magupitan dahil sa naabot na kuno ang oras para sa serbisyong handog.

Sa totoo lang, nagalit ang mag-asawa sa walang konsiderasyon ng mga kawani ng pamahalaang lungsod na nakiisa sa pagbibigay serbisyo. Hindi bibigyan puwang ang paglapit ng tatangkilik sa programang ibinaba. Tila naduhagi ang mga SC sa mga kawani ng pamahalaang lungsod na ‘di na ginawang magbigay ng pag-ayon sa maliit na kahilingan na gupitan na kabila sa layon ng pagbaba ng serbisyo. O’ sadyang may tinitingnan o tinitingnan ang alay na serbisyo.

Karaniwan ang nagaganap na serbisyo sa mga SC ng KNL, ngunit lihis ang karanasan ng mag-asawang SC na minsang lumapit ngunit masakit ang dinanas sa ‘di tunay na serbisyong handog. O’ sadyang walang puso ang kawani dahil sa oras kahit batid na SC ang nakikiusap dahil makuha ang takdang bilang ng dapat magserbisyo. Sa totoo lang, maramdamin ang mga SC higit sa edad na ‘di nabibigyan pansin ng pamahalaan sa serbisyong dapat ibaba. Ang pagwawalang bahala sa SC at higit na binigyan bigat ang oras ng paghahatid serbisyo ang magpapalayo sa mga SC sa pagtaguyod sa mga serbisyo sa hinaharap.

Batid na walang bale ang ilang pumunta sa pinagdadausan ng serbisyo’y ngunit taliwas sa ‘di nakitang serbisyo na dapat ipagkaloob ng mga kawani. Ang masakit, nakipagmatigasan ang mga kawani ng Lungsod Quezon na tapos na ang oras ng serbisyo sa halip na paunlakan ang SC na humabol. Sa pag-babalik tanaw, ganap na gumalaw ang mga tauhan ng pamahalaan ng QC ayon sa mga sariling ibig at walang lugar ang serbisyong may puso sa tao sa laylayan.

Sa totoo lang, ‘di kailangan ng isang pananaw ang paglapit o pagbaba ng serbisyo sa tao sa ano mang programa ng Lungsod Quezon. Inaasahan na sa pagbaba ng serbisyo sa tao sa laylayan nariyan o ipadama ang malasakit na walang pinapaburan. Ang isaayos ang paglilingkod sa tao sa bayan ay ‘di kailangan ng yabang higit kailangan ng kababaang loob ng madama na tunay ang serbisyong alay sa tao sa laylayan. Ang pagmamataas dahil tao ang lumalapit ang salang kilos ng mga kawani ng gobyerno higit sa LGU ang ‘di dapat ilagay sa ulo at gawing premyo.

Hindi hiningi ng tao na ibaba ang serbisyong inilapit, ito’y handog upang akitin ang mga tao higit ang mga manghahalal. Sa pagdadala sa sarili bilang mga inaasahan sa Lungsod Quezon na mga kawani ng LGU at mga tauhan sa Barangay KNL ang salang galawan na hindi inaasahan. Saan lalapit ang tao sa laylayan kung maging ang puno ng barangay ay ‘di malapitan kung wala sa halalan. Ito ba ang natutunan ng mga kawani sa QC at sa Brgy ng KNL, tanong lang po?

Sa totoo lang, ‘di inaasahan ang salang karanasan sa mga tauhan ng Lungsod Quezon bilang isang SC na humabol para sa serbisyong ibinaba. Hindi minamadali ang pamahalaang lungsod subalit ang pagbibigay ng oryentasyon sa mga tauhan na ang Serbisyo sa Bayan ang naglagay kay Mayor Ligaya bilang puno ng lungsod. Ang galing ng serbisyo sa bayan ng ama ng alkade ang dahilan sa tatlong ulit na pagkakahalal sa lungsod na sana’y itangi bilang ginto. Ang magandang pagseserbisyo’y sa lungsod ang panatilihin. Silipin ang mga tauhan na ‘di kakampi na anay na sumisira sa pundasyon ng serbisyo sa bayan na sinimulan ng ama ng alkalde.

Sa alkalde, maganda ang handog na alay sa kaarawan ng punong barangay ng KNL, ngunit pag-isipan ang mga susunod na hakbang at baka matalisod sa salang pagkalinga sa banggit na opisyal. Walang nakitang galing at ganap na umaasa ang punong barangay ng KNL sa programang bitbit ng pamahalaang lungsod. Ang masakit, bihasa ang puno ng barangay sa pagsakay sa programa ng lungsod at puro pormang programa. Sa totoo lang, ‘di makitaan ng sariling galaw na nagpapatingkad sa kakayahan bilang pinuno. Ang galawang pagkakaperahan ang silip na kilos ng mamanukin sa susunod na halalang pambarangay. At silip sa mamanukin, pasabong ang programang isinagawa bago hanggang sa araw ng pista ng barangay. Ayon sa bubwit, malaki ang inaabot sa mamanukin ngunit katiting sa mga tumao o nagbantay sa lugar ng pinagdausan ng sabungan. Kay Alkalde Ligaya, napansin sa mamanukin sa halalang pambarangay, magaling sa mga larong swerte ang batang Kapitan at ‘di ganap na serbisyo ang kayang iabot sa nasasakupan.

Pangalawa, silipin ang mga tauhan na nagbigay serbisyo sa KNL higit ang mga tauhan na tumitingin sa orasan at di ‘sa serbisyong may saya sa bayan. Naniniwala na walang lugar sa pamahalaang lungsod ang nagbibilang ng serbisyo o tumitingin sa oras o panahon. Ibigay ang dapat na serbisyo higit kung nasa harap ang seserbisyuhan. Alisin ang dapat alisin, masakit man sa loob dahil ang serbisyo sa bayan ang nagluklok sa alkalde na kaLigayahan ang magserbisyo.

Maraming salamat po!!!!