Advertisers
Ni Anne Venancio
Isang “proud dad moment” ang ibinahagi ng motivational speaker at entrepreneur na si Anthony Pangilinan dahil sa mabilisang aksyon ng kanyang anak na si Donny Pangilinan para sa mga motorista at maliliit na negosyante na apektado ng oil price hike.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Anthony na magbabawas sila ng ?3 kada litro sa diesel sa kanilang family-operated fuel station sa South Forbes simula Marso 17.
Hinangaan naman ng netizens ang mag-ama sa kanilang hakbang na mas pinili ang makatulong kaysa kumita sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.