Advertisers
Ni Anne Venancio
Aminado si Andre Yllana na may selos factor na siya sa mga sweet moments ng kanyang ina na si Aiko Melendez at ng boyfriend nitong si Onemig Bondoc.
Ayon sa batang aktor, masaya siya para sa dalawa dahil ramdam niya ang pagbabago sa kanyang ina na aniya ay mas relax at masigla kumpara noon.
“Parang dalaga si mommy ngayon. Very happy po siya,” sey ni Andrei sa interbyu.
Tanggap umano niya sakaling mapagdesisyunan ng ina na muling magpakasal sa tamang panahon.
Dagdag pa ni Andre, maayos din ang pakikitungo nila sa isa’t isa ni Onemig, lalo’t nagpapakita ito ng effort upang maging malapit sa kanya at tila ginagampanan ang pagiging tatay at nagbibigay din ng mga payo na nakatutulong sa kanya bilang anak at sa kanyang karera.