Advertisers

Advertisers

MALALAKING EROPLANO SA NAIA, HIHILINGIN NG MIAA NA ILIPAT SA CLARK INTERNATIONAL AIRPORT

0 9

Advertisers

HIHILINGIN ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ilipat ang ilang malalaking eroplano papuntang Clark International Airport at sa iba pang pangunahing paliparan sa bansa upang mabawasan ang siksikang trapiko sa Ninoy Aquino International (NAIA) kung sakaling lumala ang sitwasyon sa Gitnang Silangan, ayon kay MIAA general Manager Eric Ines.

Ito rin ang isyung pinayagan ng New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) noong una. Ang mga malalaking eroplanong ay inilagay sa malayong paradahan ng NAIA nang magsimula ang kaguluhan noong Pebrero 28, 2026 na naapektuhan ng ilang dayuhang flight sa Gitnang Silangan at local.

Bukod pa rito, inamin ng MIAA Chief na nagiging kapos na ang espasyo para sa paradahan ng mga eroplano. Naiulat na sumisikip na ang mga eroplano sa NAIA dahil sa pagsasara ng airspace sa ibang mga bansa nang magsimula ang krisis.

Kinumpirma ni Ines na ang mga nakanselang flight papuntang Gitnang Silangan ay umabot na sa mahigit 300 dahil sa limitadong airspace sa rehiyon simula noong Pebrero 28, 2026.

Nananatiling iregular ang operasyon ng mga eroplano papuntang Gitnang Silangan dahil sa pabago-bagong sitwasyon ng airspace sa rehiyon, sabi ni Ines.

Sinabi rin niya na may kabuuang 372 na flight sa NAIA ang naapektuhan at kabilang sa mga nakanselang biyahe ay nagmula sa Philippine Airlines at Cebu Pacific.

Nilinaw ni Ines na ang operasyon para sa lahat ng airline ay hindi pa ganap na naputol. Ang ilang mga flight ay maaari pa ring umalis depende sa availability ng airspace kabilang dito ang Qatar Airways, Etihad Airways, Emirates, at Kuwait Airways.

Sinabi rin niya na ang orihinal na flight schedules ay hindi na nasusunod dahil sa ligtas na availability ng airspace.

Sa kabila ng mga pagkansela, nananatiling normal ang daloy ng mga pasahero sa NAIA. Gayunpaman, ang pang-araw-araw na dami ng pasahero sa paliparan ay umaabot na ngayon sa 152,000 hanggang 158,000. (JOJO SADIWA)