Advertisers

Advertisers

SHAIRA NAPA-ARAY SA TAAS NG GASOLINA

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nalokah si Shaira Diaz nang magpa-full tank ng kanyang sasakyan ay umabot ito ng P7,500 ang full tank na dati raw ay P3K lang.

Napa-aray ang misis ni EA Guxman.

Biruin mo nga naman, umabot na sa P7,500 ang full tank ng sasakyan na dati ay nasa P3K–P4K lang.

Ayon kay Shaira, “Ramdam na ramdam ko na ang #OilPriceHike! WOW! Dati nasa P3,700–P4K lang ang full tank ko. Nabulaga ako!”

Sa ngayon, marami ang tumigil muna sa pasada, at ang iba naman na may sasakyan ay piniling iparada na lang dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang point dito: habang tumataas ang presyo ng gasolina at diesel, tumataas din ang presyo ng mga bilihin. Ibig sabihin, mas lalong kakapusin ang ating mga kababayan. Grabe na talaga ang inflation, kaya kung maaari, magtipid na muna.

Sey ng isang netizen: “Buti na lang may Seaoil PriceLOCQ sa mga sasakyan, up to 600 Liters per user ang pwede i-store sa virtual fuel tank. Iyong nakapag imbak noong Feb 2026 Php 30k to 36k lang ang market price (depende sa branch), ngayon Php 66k to 78k na ang halaga. Magagamit kahit saang seaoil branch na tumatanggap ng pricelocq app. Tuloy ang road trip ang kaso tigil muna para ma preserve ang natitirang supply para sa essential trips at emergency travel.”

“dati sa puregold daming sasakyan naka parking ngayon kakaunti na lang dahil sa mahal ng gasolina”

“Un mga rich people balewala lang yan sa knila paano un mga ordinaryong Pilipino ,un mga Driver na bounderihan ,nakakaawa nmn kalagayan nila”

“D2 lng nman sa pinas tumataas eh sa IBANg bansa hnd tumataas”

“MGA BUWAYA KASI ANG NASA GOBYERNO, BIRO MO NABILI NILA 3 MONTHS AGO PA ANG MGA OIL RESERVES AT A NORMAL PRICE, NAGKAGERA, DINOBLE ANG BENTA, PHILIPPINES!”