Advertisers

Advertisers

ASEAN Summit, tuloy kahit may krisis

0 13

Advertisers

BINIGYANG-DIIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuloy ang ASEAN Summit sa kabila ng tensyon sa Middle East.

Ayon sa Pangulo, nagkaisa ang mga lider ng ASEAN na mas mahalagang magtulungan at magsanib-pwersa sa gitna ng pandaigdigang krisis kaysa ipagpaliban ang pulong.

Aniya, tututok ang nalalapit na ASEAN Summit sa tatlong pangunahing usapin tulad ng suplay ng langis, presyo at suplay ng pagkain, at kalagayan ng migrant workers kung saan layunin aniya nitong makabuo ng konkretong hakbang laban sa epekto ng global shocks.



Giit ng Pangulo, magiging “bare bones” o mas simple ang gagawing ASEAN Summit sa Mayo 7 at 8 ngayong taon na aniya’y target na mapabilis ang talakayan ng mga lider at makapaglatag agad ng mga solusyon para sa natitirang bahagi ng taon.

Subalit ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na tentative ang ASEAN events sa Nobyembre.



Samantala, nilinaw din ni PBBM na ang posibleng pagbabawas sa badyet ng ASEAN Summit ay bahagi ng hakbang upang mailaan ang pondo sa mas mahahalagang pangangailangan, lalo na sa gitna ng krisis sa langis at iba pang epekto nito sa ekonomiya. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">