Advertisers

Advertisers

TULFO NAGPASALAMAT SA KOREAN AMBASSADOR SA MAAGAP NA AKSYON HINGGIL SA DISKRIMINASYON SA ILANG KOREAN KTV AT RESTAURANT

0 5

Advertisers

lNAGPAPASALAMAT si Senate Foreign Relations Chairman Sen. Erwin Tulfo kay Korean Ambassador Lee Sang Hwa sa agarang aksyon nito hinggil sa napaulat na pagbabawal ng ilang Korean KTV at restaurant sa mga Pilipino customers sa Angeles City at sa Clark,  Pampanga.

Ani Sen. Tulfo, “I thank Ambassador  Lee for his speedy action na  kaagad niyang pinaimbistigahan ang naturang mga reklamo laban sa ilang korean-owned establishments dito sa Pilipinas.”

“May mga nagsumbong kasi na mga kababayan natin sa aking opis hinggil sa pagbawal daw ng ilang korean ktv at restawran sa Central Luzon area na makapasok ang mga Pilipino,” wika pa ng senador   

Ilang araw lang ang lumipas at nagpadala ng report si Ambassador Lee kay Sen. Tulfo kalakip ang mga hakbang ng Central Luzon Korean Association para hindi na maulit ang nasabing insidente ng diskriminasyon.

Ayon kay Sen. Tulfo, “Ilan sa mga hakbang na ito ay ang pagpaskil sa pinto ng mga inirereklamong ktv at restawran ng APOLOGY sa pangyayari at PROMISE  na hindi na ito magtataboy ng mga kustomer lalo na kapag Pilipino”.

Nangako rin aniya ang Korean Community Association na sisilipin at palagiang mag-iinspeksyon ng mga establisyamento kung sinusunod ng mga ito ang batas ng Pilipinas at pakikitungo nito sa mga local customers nito.

Nagpaabot din si Ambassador Lee kay Sen. Tulfo ng mensahe na kung may mga problema pa laban sa ilang mga Korean establishments na nasa bansa, ay kaagad na ipagbigay alam sa kanya para agarang maaksyunan niya ito.