Advertisers

Advertisers

Provincial Cyber Responce Team, pinasinayaan sa Bulacan

0 16

Advertisers

Pinasinayaan na ang bagong tanggapan ng Bulacan Provincial Cyber Response Team(PCRT) na matatagpuan sa kalawanv palapag ng Kabalikat Hall sa loob ng Camp Gen. Alejo Santos sa Malolos City, nitong Martes, Abril 7. 2026.
Mismong si Acting Director BGen. Wilson C. Asueta, ng Cybercrime Group ang nag cut ng Ribbon katuwang si OIC Bulacan Provincial Director, Jay B. Baybayan at iba pang opisyal ng Regional Anti- Cybercrime Unit -3 (RACU-lll).
Ayon kay BGen. Asueta, dahil sa talamak na ang Scammer sa Social Media,napapanahon ang pagkakaroon ng Provincial Cyber Response Team, upang makatulong sa mga filipino.
Idinagdag pa ng General, na ibababa sa lahat ng mga Police Stations sa buong bansa ang Desk ng Municipal at City Cyber Response Team.
Ito aniya’y upang mapabilis ang aksyon sa mga kumunidad partikular ang mga biktima ng cybercrime.
Tiniyak ng opisyal na kailangang dumaan sa tamang pagsasanay ang mga pulis na itatalaga sa Cyber Response Team, dahil kailangan ito sa paggamit ng Cyber warrant ng mga nasa warrant section ng PNP.(Thony D. Arcenal)