Advertisers
TINIYAK ng Malacañang sa mga negosyante na tinutugunan ng administrasyong Marcos ang kanilang mga pangamba o concerns sa gitna ng pakikipagtulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang mabawasan ang epekto ng pabagu-bagong presyo ng langis sa buong mundo.
Sa nasabing pulong, sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto na inaaksyunan na ang mga isyu tulad ng tumataas na logistics costs, port congestion, pagpapabilis ng trade reforms, at paggamit ng alternatibong pinagkukunan ng enerhiya.
Iginiit din ni Recto na may sapat na suplay ng langis ang bansa, habang hinikayat ang pribadong sektor na suportahan ang energy-saving measures, flexible work arrangements, at pagtutulungan upang maiwasan ang hindi makatarungang pagpepresyo.
Samantala, dumalo naman sa pulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang business groups, kasama ang ilang miyembro ng gabinete tulad nina Energy Secretary Sharon Garin, DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, at PCO Secretary Dave Gomez. (Gilbert Perdez)