Advertisers
ARESTADO ang anim katao sa operasyon laban sa pagnanakaw ng langis sa San Pablo City, Laguna.
Ayon sa ulat, pinanguna-han ng Regional Mobile Force Battalion 4A – Technical Support Company at 402nd Maneuver Company ang operasyon sa loob ng hotel at resort sa Barangay San Antonio 1 dakong 8:00 ng umaga ng Miyerkoles.
Sa pamamagitan ng paggamit ng drone, nadiskubre ng mga awtoridad ang mga salarin sa akto ng pag-siphon, short-selling, at hoarding ng petroleum products.
Nasamsam sa operasyon ang isang orange oil tanker na nagkakahalaga ng P2 milyon, ganoon din ang nasa 8,800 litro ng gasolina, 900 litro ng CME, 5 electric pumps, 21 na 25-liter containers, at iba pang kagamitan, na may kabuuang ha-lagang P3,513,050.
Dalawa sa mga salarin ang nasugatan nang tumalon mula sa tanker. Dinala sila sa ospital.
Patuloy na iniimbestigahan ng PNP ang kaso at ipinapaalala sa publiko na ang pagnana-kaw ng langis ay mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng PD 1865.
Ang Laguna, Cavite at Batangas ay kilalang lugad ng mga sindikato sa paihi.(Koi Laura)