Advertisers

Advertisers

Año out, Oban in bilang Nat’l Security Adviser

0 9

Advertisers

TINANGGAP na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni National Security Adviser Eduardo Año.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, nagpasya si Año na magretiro mula sa serbisyo publiko matapos ang mahabang panahon ng paglilingkod sa pamahalaan at sa militar.

Pinuri ng Palasyo ang naging ambag ni Año sa pagpapalakas ng national security framework ng bansa, partikular sa pagpapaigting ng counterterrorism at internal security efforts.



Sinabi ni Castro na malaki rin ang naging papel ni Año sa pagpapanatili ng maayos na koordinasyon sa iba’t ibang sektor ng seguridad sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa sa rehiyon at sa buong mundo.

Samantala, itinalaga ni PBBM bilang bagong National Security Adviser si Eduardo Oban Jr., na may malawak na karanasan sa military operations at defense planning.



Samantala, kumpiyansa naman ang Pangulo na maipagpapatuloy ni Oban ang mga programa at polisiya sa pambansang seguridad upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng bansa. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">