Advertisers
Ni Oggie Medina
Maraming salamat sa La Visual Corporation sa patuloy na pagbibigay pagkilala sa aking naiambag sa larangan ng pamamahayag.
Nakakagalak kong mabasa na “Congratulations! Rogelio Medina for earning Outstanding Media Contributor. Your consistent contributions strengthen the media landscape.”
Tanging Philippines Finest Business Awards and Outstanding Achievers ang patuloy na nagbibigay recognition sa akin at sa iba pang mga awardee simula noon 2023 sa The Hexagon Place sa Quezon City at muli magaganap sa Setyembre 2026 sa nasabing lugar.
Taun-taon nariyan ang PFBA na laging umalalay sa amin. Umabot pa nga kami sa mga naglalakihang billboard sa New York City’s Times Square at sa Las Vegas, Nevada sa Estados Unidos.
Simula nang pumasok ako larangan ng pamamahayag noon 1984 sa Evening Post (my editor was Kerima Polotan-Tuvera) hanggang sa makarating ako sa pagsusulat sa ibang mga bansa, tangin si Ms. Lalaine ng La Visual Corp. ang nakapansin.
Noon 2023 pagkatapos ng PFBA ay naging guest ako ni Belle Surara sa kanyang Sunday show sa NET25’s Radyo Agila. Sumunod din nakilala ko si Wej Cudiamat na naging panauhin ako sa kanyang programa ng tatlong beses. Gayundin si Guia Cruz Buenaventura ng Media House Express’s Coffee, Tea on MHE na tatlong beses din ako naging panauhin.
Hindi ko malilimutan sina Salvacion Paparon, singer Lae Manego, Audrey Gorriceta, Jigo Postolero, PTV’s Rise and Shine Pilipinas, Marc Logan, Jamin Lim, Gilbert delos Santos, Earlo Bringas, Alvin Diesel at sa mga bago kong fellow awardee Steward Fantilaga at sweet couple Cynthia and Richard Lunas. Gayundin sina Weng Madumma at Mona Dagsaan ng Radyo Agila’s DISKUSYON.