Advertisers

Advertisers

Cayetano sa mga abogado: Unahin ang layunin, hindi kliyente at kaso

0 4

Advertisers

Huwag tumingin sa kliyente, kaso, at pangalan kundi sa mas malalim na dahilan at layunin ng ginagawa sa trabaho.

Ito ang mensahe ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa mga abogado sa blessing at dedication ng bagong law office ng pastor-lawyer na si Atty. Jeremiah Belgica at kanyang mga partner nitong April 15.



Bilang isa ring abogado, sinabi ni Cayetano na may mas mahalagang basehan ang pagiging abogado kaysa sa tagumpay o impluwensya.

“The Lord Jesus said, ‘Seek first My Kingdom and righteousness, and everything shall be added unto you,’” wika niya.



Ayon sa senador, hindi dapat umiikot sa laki ng kaso o sa bigat ng kliyente ang direksyon ng isang abogado kundi sa kung ano ang tama at dapat gawin.

“Don’t seek VIPs (very important persons). Seek very important believers – VIBs, not VIPs. Don’t seek those big cases, those big clients, et cetera. Just seek God’s righteousness and his kingdom,” wika niya.



Dagdag pa niya, kapag maayos ang direksyon ng ginagawa, susunod na lang ang pag-unlad sa propesyon kahit hindi ito pilitin.

Binigyang-diin din ni Cayetano na hindi sapat ang batas at pulitika para masolusyunan ang mga problema ng bansa dahil may mas malalim itong pinagmumulan.

“Our problem is not legal. Our problem is not political. There’s an oil crisis, but our problem is not just economic or financial. Our problem is [also] spiritual,” wika niya.

Aniya, kapag natugunan ang ugat ng mga problemang ito, mas magiging posible ang solusyon sa iba’t ibang larangan.

“When we solve that, the doors of heaven will just open and the political, economic, and social solutions will come,” wika niya.

Hinikayat ni Cayetano ang mga abogado na dalhin sa kanilang trabaho ang kanilang pinaniniwalaan at panindigan ito sa araw-araw.

“Be the salt and light in everything,” wika niya.