Advertisers
Ni Anne Venancio
Nakatakdang gawin ni McCoy de Leon ang kanyang unang international film project na “Flying Red Balloon” sa direksyon ni Louie Ignacio at kukunan pa sa Taiwan.
“First time ko ito sa abroad, kaya exciting pero challenging. Mas malawak ang preparation na kailangan,” ani McCoy.
Mas binibigyan ni McCoy ngayon ng importansya ang personal growth, pamilya, at pagbuo ng mas maayos na direksyon sa buhay.
Kasama rin sa pelikula sina Liezel Lopez, Richard Yap, Jason Gainza, Paolo Gumabao, Lianne Valentin, Kimson Tan, Rebecca Chuaunsu, at Sue Prado.