Advertisers
Ni Beth Gelena
Maraming netizens ang nagsasabing hindi umano maganda ang ugali ni Fyang Smith.
Aminado naman PBB grand winner na may ugali siyang hindi maganda na gusto niyang baguhin.
Binigyang-diin niya na tatanggapin niya kung anuman ang sabihin ng netizens sa kanya.
Nagbahagi si Fyang sa kung paano niya inayos ang kanyang personalidad namg sa ganun maging huwaran naman daw siya ng mga kabataan.
Prangka niyang inaamin na sinisikap niyang bawasan ang kanyang dating pag-uugali na unang nakita noong nasa loob pa siya ng Pinoy Big Brother: Gen 11 house.
Wika niya, “No’ng pumasok ako sa Bahay ni Kuya, sobrang ingay ko to the point na nakakairita na ‘yong ingay ko.”
Hindi raw kasi niya mapigilan ang sarili na laging nag-iingay dahil yun na raw talaga ang karakter niya.
Magkagayunman, sadyang masigla lang daw kasi ang kanyang personalidad.
Kaya naman laging nasasabihan si Fyang na mahigit mang-agaw eksena sa kanyang kapwa housemates
“Pero at some point, tinone down ko ‘yong sarili ko kasi feeling ko sumosobra na rin ako,” pakli niya.
“So, siguro ‘yong pag-tone down ko is para sa sarili ko, para sa ikakabuti ko—hindi lang [para] sa viewers,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Fyang na ang pagpapabuti ng sarili ay dapat magmula sa kanya.
Nagpahayag siya ng kumpiyansa na mamahalin pa rin siya ng kanyang mga tagahanga anuman ang maging pagbabago sa kanya.
“Kasi feeling ko, kung love ka talaga ng supporters mo, tanggap ka nila kung sino ka.”
Ang kanyang pahayag ay nagdulot ng saya sa marami niyang tagahanga, lalo na sa mga sumubaybay sa kanyang paglalakbay mula sa reality television patungo sa mainstream entertainment.
Maraming netizens ang pumuri sa kanyang maturity at introspection, na itinuturo na ang kanyang kahandaang kilalanin ang mga aspeto ng kanyang paglago ay isang tanda ng emotional intelligence.
Meanwhile, Fyang revealed that she chose to step back from social media at times to protect her mental well-being and maintain her peace.