Advertisers
Ni Anne Venancio
Balik sa larangan ng musika si Piolo Pascual kung saan matagal na niyang ginagawa ang isang all-duets album na naglalaman ng mga original songs kasama ang ilang kilalang OPM artists na sina Regine Velasquez, Yeng Constantino, KZ Tandingan, Klarisse de Guzman, at Juris.
May collaboration din sila ng kanyang anak na si Iñigo Pascual, kung saan ito rin ang sumulat ng kanta.
Nakatakda itong ilabas sa kanyang solo concert sa Nobyembre.
Aminado naman ang aktor na mas maloko at palabiro siya sa totoong buhay kumpara sa seryosong image niya sa harap ng kamera.