Advertisers

Advertisers

Ian de Leon higit na may karapatan sa mga naiwang pamana ni Nora Aunor

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Mula nang pumanaw ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor noong Abril 16, 2025 sa edad na 71, patuloy ang pagsisikap ng kanyang pamilya na mapangalagaan ang iniwang pamana ng tinaguriang “Superstar” ng Philippine cinema.

Sa panayam ng broadcast journalist na si Rico Hizon sa programang Beyond the Exchange, ipinaliwanag ng anak niyang si Ian de Leon ang pagtatatag ng Nora Aunor Enterprise at Nora Aunor Foundation na siyang mangangasiwa sa mga karapatan, pangalan, at naiwan niyang mga obra.

Bilang sole heir, sinabi ni Ian na responsibilidad niyang pangasiwaan ang estate ng kanyang ina, ngunit nilinaw niyang hindi nito isinasantabi ang kanyang mga kapatid na sina Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.

“I respect my siblings a lot, and under the law, I hold the responsibility to do this first and foremost. It’s not mainly for show or fame… I hold the responsibility to do this in their favor, and to uphold the enterprise,” pahayag niya.

Giit pa ni Ian, wala siyang personal na interes kundi ang matiyak na maayos, legal, at organisado ang pamamahala sa legacy ng kanyang ina para sa mga susunod na henerasyon.