Advertisers

Advertisers

READY TO RUMBLE NA SA JUEGO TODO BRAWL

0 3

Advertisers

ILANG tulog na lang para sa sandali ng katotohanan ng dalawang pambatong batang Sikaran fighters ng Raven Tanay sa bayan ng Rizal.

Rarambol nang todo ang pares na fighters na Batang Tanayans -piling lehitimong sikaranista na sasabak sa Juego Todo Brawl Minors Division na sasambulat sa Abril 25,2026 sa Entertainment Center Building 3,Sta.Lucia East Mall sa Cainta.



“Dalawa ang players ko na lalaro sa Juego Todo sa April 25 (Sabado) sa Santa Lucia Mall. Si Troy Nagares ,16- anyos na taga Brgy. Plaza Aldea Tanay ,Rizal at ang pinsan niyang si Sean Kyrie Nagares, 10 taon gulang na taga Brgy.Kay-Buto Tanay,Rizal. Silang dalawa ay taal nang nag -lalaro sa Raven Sikaran Tanay at masisipag na students ko.Hangad ko na mag -tagumpay sila sa bagong hamon sa kanilang buhay sa larangan ng Martial Arts,”wika ni Mantas Crisanto Cuevas na siyang kinikilala ng Latayan Hybrid Corporation na nagpalawig ng Juego Todo sa buong mundo sa pamumuno ni Ferdinand Munsayac.

“Nagpapasalamat ako sa aming butihing Mayor Rex Manuel Tanjuatco at kay Congressman Dino Tanjuatco sa walang sawang pag suporta sa mga manlalaro ng Tanay at nag- papasalamat din ako sa pamunuan ng Juego Todo kay sir (Ferdinand) Munsayac sa opportunity na binigay nya para mapasama ang Tanay Sikaran players sa darating na April 25 (Sabado) sa Santa Lucia Mall.Isang malaking karangalan para sa aming mga taga -Tanay Hane.” Ani pa Cuevas.

Si Troy ( Nagares) ay makikipagbakbakan ka fighter Gaufo habang Ang kanyang pinsan ay makakatapat kay brawler Vargas sa Minors Division din.

” Ang Juego Todo na nag-ugat sa Pilipinas sa liderato ni Munsayac ay lumawig na higit 40 bansa sa Asia,Europa,Africa at Americas..LATAYAN NA!”,saad ni Cuevas na nakatakdang bumalik sa bansa sa susunod na buwan ng Mayo para asikasuhin ang nakatakdang paglahok ng kanyang desipulos para sa international sikaran event pati na rin ang preparasyon ng National Open..ABANGAN!!