Advertisers

Advertisers

Mojack, proud makasama sa concert ang King of Pinoy Rap na si Andrew E.

0 23

Advertisers

NI: NONIE V. NICASIO

PATULOY sa pagiging abala sa mga live shows si Mojack. Ang versatile at talented na singer, composer, at comedian na si Mojack ay nakabase na ngayon sa Amerika.

May mga naka-line up na shows sa US at pati sa Aruba ay magtatanghal din si Mojack. Isa sa pinaka-excited siya ay ang magaganap sa August 14, 2026 dahil special guest siya ng King of Pinoy Rap na si Andrew E. sa concert na pinamagatang “Andrew E. Live in Arizona.”

“First time po to do a show with him kuya and super excited po ako,” message sa amin ni Mojack thru Facebook.

Ano ang feeling na makakasama niya ang isang icon sa larangan ng musika? “Super blessed po and proud, kasi marami ang nangangarap na makasama po siya sa show on one stage… It’s a blessing po talaga, kasi ang makakasama mo ay idol mo na, isang icon pa…

“Plus, dati po kasi kuya kinakanta ko lang po ‘yung mga kanta niya na kinalakihan ko pa po. So, sabi ko nga po, super excited na nga po ako na ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kaba sa entablado, promise,” masayang wika pa ni Mojack.

Ano’ng masasabi niya sa isang alamat sa larangan ng showbiz na si Andrew E.?

Tugon ni Mojack, “Bilang master rapper at idol ng marami and mentor at tinitingala ng mga aspiring rapper, itinuturing ko po itong isang achievement, na finally ay makasama ko si sir Andrew.

“Ito po talaga, this is one of the achievements na siguradong hanggang sa pagtanda ko ay hindi ko makakalimutan at hindi ko iniisip na someday we can be together on one stage. And sana po, ang wish ko, this will not be the last, hahaha!”

Gaganapin ang Andrew E. Live in Arizona sa Royal Palace Event Venue sa 1915 W Thunderbird Rd. Phx, AZ 85029. Kasama rin dito sina Jawtee, Sixth Threat, Budz & Proy, at si Alvin Caraveo.

Si Mojack ay isang muilti-awarded na entertainer na lumabas din noon sa pelikula at nakagawa ng ilang super-kuwelang single.

Nakilala noon si Mojack bilang impersonator ni Blakdyak dahil maituturing na mentor niya ito at isang matalik na kaibigan. Isa sa mga awards na napanalunan niya ang PMPC’s 11th Star Awards for Music, bilang Novelty Artist of the Year para sa kantang “Katuga.”

Anyway, una siyang mapapanood ngayong April, abangan siya sa “Kantawanan” sa Lola’s Happy Bistro, sa 3421 East Plaza Blvd, National City, CA 91950. Featuring The GarJack Arrest Duo – Garry Lim at Mojack, with Wowowee gurl Razzie, Hosted by Bunny Paras, guest performers dito sina Dolla Pooch at Jesnied Pueblo.

Sa June ay may show si Mojack sa Aruba naman.

Kuwento pa ni Mojack, “May show din po ako sa June 21st with Kris Lawrence. We will entertain the people of Aruba, produced by M&A Gold Productions nina Madam Alma and Sir Mark Goldschmidt and ID Reality Group nina sir Erwin Dijkhoff and Reicardi Irausquin. Ito ay sa tulong na rin ng Coco Production dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala po ako rito. Kaya maraming salamat po Mama Cory.”

-30-