Advertisers
KLINARO ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi na kailangan ang anumang sertipikasyon mula sa Commission on Election (COMELEC) para sa kuwalipikadong public utility vehicle (PUV) sa pagkuha ng kanilang mga cash relief assistance.
Kasunod ito sa ulat mula sa Cebu City na hiningian ng certificate mula sa COMELEC ang isang ‘habal-habal’ driver para makakuha ng ibang uri ng ayuda.
Ayon kay DSWD spokesperson and assistant secretary Irene Dumlao, nais nilang mapabilis ang pamamahagi ng cash assistance kaya hindi na kailangan pa ng certificate mula sa COMELEC.
Paglilinaw din nito na ang P5,000 na cash assistance ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations na ibinibigay sa mga kuwalipikadong PUV drivers dahil sa pagtaas ng presyo ng langis.