Advertisers
Rinoa Halili tiniyak, hindi mabibitin ang manonood ng “Kesong Puti”
Ni NONIE V. NICASIO
MAGPAPA-INIT muli sa maraming kalalakihan ang sexy actress na si Rinoa Halili. Ito’y via the movie “Kesong Puti” na mapapanood na sa April 24 sa VMX app.
Ang sexy actress ay kabilang sa madalas maging laman ng pantasya ng maraming boys. Ang beauty at kaseksihan ni Rinoa ay surefire na pampainit sa mga kalahi ni Adan.
Kabilang sa mga pelikulang nagawa ng hot na hot na talent ni Jojo Veloso ang Maninilip,” “Sorority,” “Kirot,” “Paalam, Salamat,” “Salikmata, “Aliwan Inn,” “Liwaliw,” at “Kesong Puti.”
Nagkuwento si Rinoa sa kanilang pelikula.
Aniya, “Ang role ko po rito ay isang “babaeng bayaran” na dating OFW sa Hong Kong. Iyong character ko po ay super-sexy since I’m portraying the role of a prostitute. Ang ka-love scene ko po rito ay si Van Allen Ong as ‘Manny’ and may threesome po kami with Apphle Celso as ‘Lena’.
“The concept of the movie po is literally about the title Kesong Puti, since it added detail and story for the whole movie din po. Love and betrayal is present dito dahil yung character ko po as ‘Sienna is the antagonist of the movie na magkakaron ng mix for the story.”
Dagdag pa niya, “Kami pong tatlo ang bida rito, sina Apphle Celso, Van Allen Ongm at ako po.”
Ano ang limitations niya sa pagpapa-sexy?
Esplika niya, “As a VMX artist, parte talaga ng trabaho namin ang pagiging sexy sa screen. Pero siyempre may limitations pa rin ako. Pinipili ko pa rin yung mga eksenang gagawin ko at tinitingnan ko kung comfortable ako at kung may respeto pa rin sa akin bilang artista at bilang tao.
“Importante sa akin na kahit nagpapa-sexy, may boundaries at may dignity pa rin, katulad ng no tongue when kissing and no yung hawak sa boobs.”
Gaano ka-hot ang mga love scene nila rito, hindi ba mabibitin ang viewers sa Kesong Puti?
“Marami pong love scenes dito na talagang aabangan ng viewers and for sure na hindi mabibitin ang mga viewers sa upcoming movie ko, dahil kakaiba at kaabang-abang ang storyline nitong Kesong Puti,” nakangiting sambit pa ni Rinoa.