Advertisers

Advertisers

MISIS NI MIKE DEFENSOR SINAGOT ANG MGA PARATANG NG NBI

0 6

Advertisers

NAGLABAS ng paliwanag ang maybahay ni dating Congresman Mike Defensor na si Julie Defensor kaugnay ng kasong human trafficking na inirekomenda ng NBI laban sa kaniya at kaniyang anak.

Ayon sa pahayag ni Julie Defensor, walang basehan at malisyoso ang mga alegasyon laban sa kaniiya, kaniyang anak at kanilang Negosyo.

Sa pahayag ipinaliwanag nitong wala silang koneksyon sa estabilisyimento sa Pasig City na inoperate ng NBI.

Ayon kay Defensor, ang hakbang na ito ng NBI ay bahagi ng pangha-harass sa kanilang pamilya at gawa-gawa lang ng NBI ang kaso.

At dahil aniya sa panggigipit sa kanilang pamilya, nasa isang libong empleyado na ang nawalan ng trabaho.

Ito ay dahil lamang sa pagkakaugnay ng mga kumpanya sa kaniyang mister na si Mike Defensor n ngayon at target ng panggigipit.

Panawagan ni Julie Defensor kay NBI Director Melvin Matibag, kung may personal itong galit kay Mike Defensor, harapin ito ng direkta at huwag nang idamay ang pamilya nito at ang daan-daang inosenteng mga empleyado.