Advertisers
IBA na ang panahon ngayon.
Tindi na ng init kahit di tag-araw at sobrang lamig kahit sa mga tropikal nang lugar, ang mga dating hindi dinadaanan ng bagyo ay delubyo na ang rumaragasa na sumisira ng kabuhayan, buhay at ari-arian ng pamayanan habang ang mga bitak nang lupa ay nagyeyelo na rin bunga ito ng kapabayaan at pananamantala ng tao.
Panahon na para kumilos nang nararapat ang sambayanan kaya sari-saring organisasyon na ang mga nabuo upang labanan ang ngingit ng kalikasan para sa bagong henerasyon ng ating mga kabataan.
Sa inilunsad kamakalawang adbokasiya vs Climate Change in Action sa RTU quadrangle na dinaluhan ng iba’t – ibang Climate Change Warriors kabilang na ang ECO Warriors na binuo ni G.Arturo B.Lumagod na pinamunuan ni Engr.Basala mula Davao de Oro katuwang sina advocators Barry Agpoon at Ding Agpoon.Pastor Edwin Salve at Ms. Roa ng Davao ,Rez Cortez ng Mowelfund at ang inyong lingkod sa media ay ikinasa na ang komprehensibong pagkilos para maging luntian muli ang kapaligiran tulad ng pagtatanim ng puno, segregasyon ng mga basura at anumang kapaki-pakinabang na gawaing makatutulong sa kapaligiran at mapigil ang mga negatibong epekto dulot ng climate change.
Ito ay simula lang ayon kay pinunong Art na layuning maging nationwide ang adbokasiya na magtatagumpay lamang sa suporta ng lahat ng konsernadong mamamayan…Narito na ang Eco Warriors…ABANGAN!
Special mention kina G.Jason Kalaw, Brig.Gen . Gerardo Zamudio, Dr.Albert dela Cruz, Assoc Donato Estocada, John Paul Callejo na mga pangunahing personahe sa launching ng historic event at Dr.Rodolfo Ducut, Richard Nixon Gomez at Dr.Kristine Opulencia ng host RTU. MABUHAY KAYO!!!
***
Women Power Ngayong Weekend sa Ph Encuentro 50 sa Makati
MAGPAKITANG-GILAS at papasiklab ng puwersa ang mga pares ng bakbakan sa kababaihan sa larangan ng kickboxing at sudokwan sa pagsambulat ng Philippine Encuentro Championship ( PEC) 50 sa Mayo 9 sa Tejeros, Makati City.
Tampok sa higit 20 fightcards ang bakbakan sa sudokwan nina Jhueny Priel ng Team THS Cougars ( Zillion) kontra Aleah Samonte ng Team GlenFord CFS sa 42 kgs.
Susundan ito ng tunggaliang Mae Daguit ng Team Kings Stone MMA versus Emerald Lapira ng Team RLIMA sa MGTV.
” Saksihan sa fight night ang powerhouse athletes natin na magpapasiklab ng kanilang talento sa larangan ng MMA, sudokwan at iba pa.Bahagi sila ng ating proramang search for heroes sa larangan ng mixed martial arts”, wika ni dating Asian Games Doha ’06 Asian Games gold medalist, PEC, Catalan Fighting System , Sudokwan Philippines founding chairman Rene Catalan kasabay ng kanyang pasasalamat sa taga- suportang GOLD Pro Ventures Corporation.