Rosanna Roces, Sobrang Ipinagmamalaking Nakasama Si Coco Martin Sa FPJ’s Ang Probinsyano At Batang Quiapo; ALMOST US, Movie Ng JMFyang Patuloy Na Pinipilahan Sa Takilya
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Madalas ipagmalaki ng friend naming si Rosanna Roces, ang mga kabaitan at kabutihan sa kanya ni Coco Martin. Na kaniyang na-experienced ng makasama niya si Coco sa FPJ’s Ang Probinsyano noong Sept 2021 hanggang August 2022 at noong August 2024 hanggang January 14, 2026 sa FPJ’s Batang Quiapo. Lolita Silang, ang ginampanang character ni Osang sa Ang Probinsyano at siya naman si Boss Divina sa Batang Quiapo. At naging close sila ni Coco sa “Ang Probinsyao” at matagal silang lahat naka-locked in taping sa Ilocus Sur kasama sina Julia Montes, Sharon Cuneta, Lorna Tolentino, Ara Mina, Shaina Magdayao, John Estrada at marami pang iba. At ipinagluluto ni Osang sina Coco at Julia rito at type ng dalawa ang luto niya at ng mga kasama nila sa taping. At very thankful si Osang kay Coco at nabago uli ang buhay niya na naka-invest na siya uli ng townhouse at sasakyan at napagawa ng iconic actress ang kanyang farm. At nakita ni Osang kung paano katrabaho bilang director at producer nila si Coco na nakaapak pa rin ang mga paa sa lupa. Ibig sabihin kahit grabe na ang kasikatan ay mayaman na si Coco ay nananatili itong mapagkumbaba. At ang tinutungan ni Coco ay hindi lang mga artistang wala ng project kundi mabait siya sa mga tao sa production sg sa lahat.
“Iba kasi yang si Coco makisama. Lahat ng mahal mo, mahal niya. Tapos sa lahat ng nakita kong sumikat at yumaman nang todo , iyan yung pinaka -nakatapak sa lupa. Iniintindi niya pati yung ano. “Oh high school na yung anak mo. Okay na tayo? Kaya mo na? Hanggang college kaya mo na? Yung hindi na dapat pinakikialaman, pinapasok niya yung ganung area ng buhay mo. Hind ka makakakuha diyan ng pekeng pakikitungo, laging totoo. ‘Pag may sinabi ka diyan, at binigyan ka niya ng sagot, 100% totoo yun. Akala mo lang wala, minsan akala mo may kausap yan, busy pero yun pala nakikinig yan sa’yo. Ganoon yun. Sobrang happy kami lahat. Ilan ba tayo(na nagtatrabaho dito)? 400? 500? Tatlong unit ito Co(tawag ni Osang kay Coco). Co salamat sa mga tulong mo sa amin. At idagdag lang namin sa mga papuri ni Osang kay Coco. Na ang Primetime King ng Kapamilya Network ang nagpalibing noon kay Kristoffer King na nakasama niya sa indie film. Si Coco, kasama si Julia ang nagpabago uli ng buhay ng sexy actress na si Katherine Luna, na maliban sa sinagot ni Coco ang operasyon sa mata ni Katherine ay binigyan pa nila ito ng puhunan sa maliit na negosyo. At para kay Osang ay hindi lang niya katrabaho si Coco kundi turing niya rito ay kapatid at anak. Ganoon din naman si Coco kay Osang at My(Mommy) ang tawag niya sa maganda pa ring actress. Naku, sa lalim ng pinagsamahan ng dalawa ay siguradong magkakasama uli sila sa isang project. Baka dito sa SIGABO. Knowing Coco sa umpisa ay kukuha siya ng bago pero bandang gitna na ng TV series niya ay isa-isa na niyang ibinabalik ang mga naging artista niya sa Batang Quiapo. At saka mahusay na actress si Osang kayang-kaya niyang bigyan ng justice kahit ano pang role. Nagkasama rin pala sina Osang at Coco with the late Superstar Nora Aunor sa pelikulang “Padre De Familia.” At bukod kay Coco ay grateful rin si Rosanna kay late Sir Deo Endrinal ng Dreamscape Entertainment at kay Direk Ruel S. Bayani na itinuturing niyang Anghel ng buhay niya, na nagbukas ng pintuan ng ABS-CBN sa kanya.
***
Matapos kumita ng 5.2 million sa unang araw ng showing sa mga sinehan. Consistent ang ipinakikitang lakas sa takilya ng “ALMOST US” nina Fyang Smith at JM Ibarra. Hindi pa kasama rito ang kaliwa’t-kanang block screening na sponsored ng mga fan club ng JMFyang love team. Yes ganyan kalakas ang hatak nina Fyang at JM sa moviegoers at infairness ay worth watching naman talaga ang kanilang movie na dinirek ni Dan Villegas at handog ng Regal Entertainment, Inc at Project 8 Projects. Sa SM Mall of Asia Cinema last May 10 ay soldout ang lahat ng screening scheduled time ng ALMOST US. Sa Visayas at Mindanao ay marami ring nanonood ng said movie. By the way, ka-join rin sa movie ang hottest young actor na si Dustin Yu. Also Yuki Takahashi, Sam Samarita, JM Salvado, Baus Rufo, Che Ramos at Lotlot Bustamante. Well, sa ganda ng outcome ng kanilang movie ay tiyak na may follow-up project sina Fyang at JM sa Regal Entertainment nina Ma’am Roselle Monteverde at Atty. Sir Keith Monteverde with the collaboration of Project 8 Projects nina Direk Antoinette Jadaone at Direk Dan Villegas.