Advertisers
Opisyal na idineklara ang Archdiocesan Shrine at parokya ng Santo Niño de Tondo bilang isang Minor Basilica sa isang seremonya nitong Mayo 12,2026.
Binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ,na ang titulong ito ay hindi lamang karangalan kundi isang misyong maglingkod sa mahihirap , mga na kalilimutan at mga nalayo sa pananampalataya.
Ang Simbahan ay dapat maging bukas at nagkakaisang tahanan ng pananampalataya,pagkakaisa at paglilingkod.
Binanggit din ni Papal Nuncio Archbishop Charles Brown na ang pagiging Minor Basilica ay nagtatatag ng mahalagang ugnayang espiritwal sa pagitan ng Santo Niño de Tondo at ng Vatican.
Ipinaliwanag niya ang kahulugan ng “Sub Umbria Petri”, na nagpapakita ng pagiging malapit ng basilica sa Santo Papa at sa pandaigdigang Simbahan.
Ang deklarasyon ay tanda ng mas malalim na pakikiisa ng Tondo sa kahalili ni San Pedro.(Jocelyn Domenden)