Advertisers

Advertisers

Jennylyn Mercado endorser ng Reverie, bilib sa mga produkto ng Beautéderm

0 3

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

LABIS ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado sa President and CEO ng Beautéderm Corporation na si Ms. Rhea Anicoche Tan dahil sa patuloy na pagmamahal at pagtitiwala sa aktres.

Muling pumirma ng kontrata ang Ultimate Star bilang pinakabagong ambassador ng Reverie Air & Fabric Freshener. Ginanap ang contract signing last week sa Solaire North, Quezon City.

Kabilang sa napakabangong anim na scents na pagpipilian sa nagbabalik na Reverie Air & Fabric Freshener ay ang Cafe Aroma (coffee), First Ambience (green tea), Pure Serenity (warm vanilla), First Nostalgia (grapefruit citrus), Lily Lush (matcha), at Cloud Whisper (cherimoya).

Nabaggit dito ni Jennylyn na tiwala siya sa mga produkto ng Beautedern.

Aniya, “Si Ate (Rhea Tan), pamilya na sa akin ito… tulad ng sabi niya, wala pa ako sa Beautéderm, mayroon na kaming communication. Lalo na ngayon na ninang siya ng anak ko at endorser niya rin ang asawa ko.

“Siyempre iyong trust ko naman sa Beautéderm, unang-una iyong quality, quality ng lahat ng produkto na ginagawa ng Beautéderm ay maaasahan. Very reliable, consistent… na simula noon, seventeen years na, hanggang ngayon, consistent ang mga produkto, hindi nagbabago.”

Ano ang kanyang favorite scent ng Reverie?

Tugon ng aktres, “Mayroon akong tatlong favorite, iyong Cloud whisper, Pure Serenity, at Cafe Aroma. Kinukuwento ko kay Ate, sabi ko, ‘Ang bango-bango ng Cloud Whisper, nakaka-relax siya.’ Iyong kapag gusto mo nang mag-relax, matulog, gusto mo nang maupo, manood na lang ng TV, ganoon. puwede mong i-spray sa sofa, puwede mong i-spray sa mga unan ninyo, sa comforter ninyo, sa air puwede rin.

“Iyong Cafe Aroma naman, gustong-gusto ko siya, kasi amoy cafe. So, parang naaamoy mo pa lang, hindi ka pa nagka-cafe pero para ka nang nag-cafe, nagising ka na agad, na-enegized ka na. Iyong Pure Serenity, ganoon din ang feeling para sa akin, na mare-relax ka at ang bango-bango na parang ang linis-linis.”

Bakit mahalaga sa kanya na mabango lagi ang kanilang tahanan?

Esplika ni Jen, “Kasi, hindi ba kapag mabango ang bahay, parang ang linis niya at nakaka-relax? At kapag mabango, marami kang naaalala na emotions, marami kang mga naalalang memories. Depende kung ano iyong scent na pinabango sa kuwatro. Importante siya, nakaka-set siya ng mood, nakaka-uplift siya.”

Sa parte naman ng lady boss ng Beautéderm, pinuri niya sina Jennylyn at ang mister nitong si Dennis Trillo, na endorser din ng Beautéderm.

Sambit ni Ms. Rhea, “Napakabait nina Jennylyn at Dennis kaya paano mo naman sila hindi mamahalin? Saka talagang mahal din nila ako at ang Beautederm. Bonus pa nga na ninang ako ni Dylan. Napakasipag ding endorsers nina Jen at Dennis, ang sipag mag-posts (sa social media).”

Sa naturang event din, nasorpresa si Jennylyn nang bigyan siya ng 18-carat diamond bracelet ni Ms. Rhea. Ito’y bilang advanced birthday gift na rin ng celebrity entrepreneur na si Ms. Rhea kay Jen, sa kanyang 39th birthday sa May 15.