Advertisers

Advertisers

MAHIGIT P 8.3-M HALAGA NG SHABU NA IDINEKLARANG ‘AUTO GEAR BEARINGS ‘ , NASABAT NG BOC-PORT OF NAIA

0 74

Advertisers

MAHIGIT P8.3 milyon halaga ng pinaghihinalaang shabu ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs mula sa isang inabandunang parsela na idineklara bilang “ Auto Gear Bearings “ sa Cargo Facility , di kalayuan sa Ninoy Aquino International Airport sa lungsod ng Pasay., napag-alaman sa ulat noong Martes, May19, 2026.



Ang parsela na nagmula sa Uganda at para sa isang consignee sa Cavite, ay sumailalim sa cargo X-ray screening ng mga tauhan ng Bureau of Customs, na sinundan ng K9 paneling ng PDEA at manu-manong inspeksyon, na nagkumpirma na pinaghihinalaang ilegal na droga ang nakatago sa loob.

Sa manu-manong inspeksyon, natuklasan na may dalawang aluminum gear bearings na may mga nakatali na transparent na plastic sachet na naglalaman ng Methamphetamine Hydrochloride o ‘shabu’, na may bigat na humigit-kumulang 604 gramo at 630 gramo.



Nabatid na may kabuuang 1,234 gramo ang nasamsam na illegal drugs at nagkakahalaga ng PhP8,391,200.00.

Ang mga nasabat na iligal na droga ay nasa kustodiya ng PDEA Office para sa kaukulang disposisyon. (JOJO SADIWA)