Advertisers

Advertisers

Direk Emille Joson, nakaranas ng bullying noong 2005; ginawang batayan ng pulisya sa kampanya kontra pang-aabuso

0 16

Advertisers

Ginagawang halimbawa ngayon ng ilang retiradong pulis ang umano’y naging karanasan sa bullying at paninirang-puri ng filmmaker na si Direk Emille Joson upang labanan ang pang-aabuso sa mga paaralan, lalo na laban sa kababaihan at LGBTQ+ sector.

Hinarap umano ni Joson ang bullying noong 2005 sa isang Christian school sa Pulilan, Bulacan na nagsara noong 2011, ngunit hindi ito nauwi sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensya at kawalan noon ng Anti-Bullying Law.

Noong 2015, nakalikom umano si Joson ng screenshots at personal messages kaugnay sa umano’y paninira sa Facebook. Ayon sa legal experts, maaari pa rin itong maging basehan ng hiwalay na cyber libel case sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.

Iniulat ding karamihan umano sa mga nagpo-post at nagkokomento online ay mga lalaking atleta sa Plaridel, Bulacan na sinasabing konektado sa dati niyang mga kaeskuwela sa naturang paaralan. Binansagan umano itong “copycat attackers” ng ilang otoridad.

Ayon kina dating Sgt. Salinas at Sgt. Casangcapan, mahalagang mapag-aralan ang mga ganitong kaso upang maprotektahan ang mga biktima ng bullying. Pero nasa kay Joson pa rin ang desisyon kung kailan siya magsasampa ng reklamo.

Kilala ngayon si Direk Emille Joson bilang tagapagtaguyod ng kababaihan at iba’t ibang makabuluhang genre ng pelikula sa Pilipinas at ibang bansa. Katuwang din umano siya ng Alaga Producers Cooperative sa pagtulong sa mga kabataang biktima ng pang-aabuso at paggabay sa tamang proseso ng pagreklamo.