Advertisers

Advertisers

Nanganganib si Cawatano

0 11

Advertisers

HINDI mahirap ipaliwanag ang kasalukuyang gusot sa Senado. Hindi ambisyosong aso si Alan Peter Cawatano. Pinangungunahan niya ang plano na ilibre at tuluyang makawala si Misfit Sara sa impeachment trial ng Senado bilang hukuman at hindi mapatalsik sa puwesto. Pangunahin sa plano ang tahasang nangungunyapit sa panguluhan ng Senado.

Ito ang dahilan kung bakit may boykot ang mayorya umano sa Senado. Hindi ito boykot dahil sa prinsipyo. Hindi kilala si Cawatano sa tining at kinang ng anumang kinakapitang prinsipyo. Oportunista si Cawatano. Tanging hangad ay makapangyupit sa puwesto.

Gagawin ni Cawatano ang lahat upang manatiling Senate President sapagkat ito ang tanging paraan niya upang manatili siyang Presiding Officer ng Senate impeachment court. Kung siya ang Senate President and Presiding officer ng Senate impeachment court, kontrolado niya ang daloy ng paglilitis ni Misfit Sara.

Siya ang timon upang ilusot si Misfit. Siya ang tanging dahilan upang manatiling may utang na loob ang mga Duterte at kahit ang China sa kanya. Siya ang dahilan upang manatili sa poder si Misfit. Walang hanggang kasibaan sa poder ang nasa damdamin ni Cawatano.

Ngunit sadyang maraming si Cawatano. Maraming isyu sa kanya. Hindi lang ang panguluhan ng Senado at Presiding Officer ng Senate impeachment court ang maaaring mawala sa kanya. Kahit siya mismo ay mawawala sa Senado.

Hindi siya ganap na Filipino. Hindi siya tumutugon sa mga hinihinging kwalipikasyon ng Saligang Batas sa isang senador. Sakaling isampa sa husgado at sumulong ang sakdal ng quo warranto, hindi nakakasiguro si Cawatano na mananatili siya sa Senado.

Wala pang opisyal na sakdal ang isinumite sa hukuman. Nakaumang pa lang. Nanguna si Sonny Trillanes sa mga nilalang na may plano na isampa ang sakdal laban kay Cawatano. Totoong takot si Cawatano kay Trillanes. It ang dahilan kung bakit hindi nagsasalita si Cawatano tungkol kay Trillanes. Ipinasa niya kay Rodente Marcoleta ang magsalita laban kay Trillanes.

Bistado ni Trillanes na bluffer lang si Cawatano. Dati silang magkasama sa Senado at alam niya na bakla si Cawatano. Ito ang dahilan kung bakit sa dami ng sinasabi ni Cawatano, hindi niya binatikos si Trillanes. Alam niya na hindi siya uurungan ni Trillanes.

Balik tayo sa gulo sa Senado. Kailangan matapos na ito sa madaling panahon. Ang tanging solusyon ay kagyat sipain si Cawatano bilang Senate President at italaga si Sherwin Gatchalian bilang kapalit. Ito ang tanging paraan upang magkaroon ng isang paglilitis na katanggap-tanggap sa sambayanan.

Hindi papayag ang bayan na si Cawatano ang namumuno bilang Presiding Officer. Hindi dapat ipagkatiwala sa kanya ang daloy ng Senate impeachment court. Lulutuin lang ni Cawatano ang proseso para sa kanyang sariling kapakanan. Ilulusot lang niya si Misfit sara dahil may angking bilyones ito na ninakaw mula sa kaban ng bayan.

***

TAMA ang Minority Bloc sa kanilang pagtanggi sa pagsama ni Tricky Tsis sa kanilang hanay kapalit ang pagiging Senate President muli. Ano ang tingin ni Tricky Tsis sa sarili? Siya ang magliligtas sa bayan? Isa itong malaking kalokohan dahil batid ng bayan na siya ang may pananagutan kung bakit hindi nilitis si Misfit noong nakaraang taon.

Pinigil ni Tricky Tsis ang proseso ng impeachment trial upang mabiyayaan si Misfit. Ngayon, gusto niyang bumalik sa dating puwesto. Hindi kinakain ang naisuka na. Ito ang dapat maunawaan ni Tricky Tsis.dati na siyang isinuka.

***

NAGKAROON na rin ng linaw sa isa pang isyu kay Cawatano. Ito ay tungkol sa sabwatan upang patakasin si Bato. Nagsampa na ang Tindig Pilipinas, isang civil society organization, ng sakdal na obstruction of justice laban kay Cawatano, Camoteng Robin Padilla, at Hen. Mauro Aplasca sa husgado. Hindi nila maikakaila na nagsabwatan sila upang makatakas si Bato na kasalukuyang nagtatago.

Maiging sa husgado na sila magpaliwanag. Maraming manananggol sa hanay ng Tindig Pilipinas. Nandiyan si Dino Singson de Leon na nabalitang pangunahing abogado na naghanda ng sakdal. Maraming nakalap na ebidensya ang Tindig upang magamit kontra kay Cawatano, Camoteng Robin, at Aplasca.

***

MGA PILING SALITA: “This country has only two candidates in every election: the victor and and cheater. The victor won because he had the votes; the cheater didn’t but he cheated anyway. The losers don’t like to be called cheated because it’s embarrassing. They become subject to public ridicule. They prefer to be referred to as the victims. As victims, they just want to fade away.” – PL, netizen, critic

“Whenever students or complete strangers ask me questions about political journalism, I have a single standard answer: Political writing is no different from entertainment writing, or show business, to be specific. A political writer should know how to handle intrigues just like any showbiz writer and make them interesting for the consuming public. He should not hesitate to report political troubles and use colorful language in his reportage. The late Washington Post columnist and journalism pundit David Broder said: ‘A political writer is essentially a fight promoter.’” – PL, netizen, critic