Advertisers
HIHILINGIN ng House Prosecution Panel sa Senate Impeachment Court ang paggamit ng wikang Filipino sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na magsisimula sa July 6.
Sinabi ni House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville Luistro, pormal nilang ilalahad ang hiling sa gaganaping pre-trial conference sa June 18.
Binanggit ni Luistro na layunin ng kanilang request na maunawaan ng mga ordinaryong Pilipino ang lahat ng mangyayari sa impeachment trial lalo’t maraming mga legal na terminolohiya ang mababanggit dito.
Ayon kay Luistro, mainam din kung magkakaroon ng simultaneous translations sa iba’t ibang pangunahing lengwahe sa bansa ang paglilitis kay VP Sara.