Advertisers

Advertisers

PHILSA nagbabala sa mga taga-Palawan sa posibleng panganib na dulot ng rocket launch ng China

0 6

Advertisers

MAHIGPIT na nagbabala ang Philippine Space Agency o (PHILSA) kasunod ng long march 12 rocket launching ng People’s republlic of China nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa PHILSA, ang pagbagsak ng mga debris ay magdudulot ng panganib at potensyal na peligro sa mga barko, sasakyang panghimpawid, bangkang pangisda, at iba pang sasakyang pandagat na dadaan sa drop zone.

Ayon pa sa PHILSA, inilunsad ang long march 12 mula sa Hainan, Chin bandang 10:45 ng umaga at inaasahang babagsak ang mga debris sa 25 nautical miles mula sa Puerto Princesa City at 19 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs.



Batay sa inilabas na Notice to Airmen o NOTAM, nasa loob ng Philippine archipelagic waters ang drop zone.

Sabi pa ng PHILSA, bagama’t hindi inaasahang babagsak sa kalupaan, subalit posibleng lumutang at mapadpad ang mga debris sa tabing-dagat.



Babala rin ng ahensya na hindi pa rin inaalis ang posibilidad ng uncontrolled re-entry ng upper stage, na lalong nagpapataas ng peligro sa aviation at komunidad.

Dahil dito ay pinapayuhan ng PHILSA ang publiko na agad ipaalam sa mga otoridad kung may makitang hinihinalang debris at iwasang hawakan dahil maaaring mayroon itong lason na galing mula sa rocket fuel.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">