Advertisers

Advertisers

7 mag-aaral sugatan sa pananaksak ng kapwa estudyante

0 4

Advertisers

SUGATAN ang pitong mag-aaral nang atakihin ng kapwa estudyante gamit ang kutsilyo sa loob ng isang pribadong paaralan sa Barangay Sta. Clara, Hunyo 16, 2026.
Sa ulat, 8:30 ng umaga nang pumasok sa silid-aralan ng mga Grade 5 student ang isang Grade 8 na armado ng kitchen knife. Agad nitong inatake ang ilang mag-aaral na nagdulot ng pagkasugat sa pitong mag-aaral.
Mabilis namang rumes-ponde ang mga guro at school personnel upang mapigilan ang insidente at mabigyan ng agarang tulong ang mga nasugatan.
Isinugod ang mga biktima sa ospital para sa kinakai-langang medikal na aten-syon.
Ayon kay General Trias City Mayor Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, dalawa sa mga sugatang estudyante ang sumailalim sa operasyon dahil sa seryosong pinsala, nguni’t nananatiling nasa matatag na kondisyon ang lahat ng biktima.
Naganap ang insidente ilang araw ang nakaraan ng pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City, Leyte, na lalong nagpalakas sa panawagan para sa mas mahigpit na seguridad at pagtutok sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa mga paaralan.