Advertisers

Advertisers

‘MURDER’ VS 15-ANYOS ESTUDYANTENG NAMARIL SA TACLOBAN SCHOOL

0 13

Advertisers

SINAMPAHAN na ng kasong ‘murder’ ng mga awtoridad ang 15-anyos na mag-aaral na namaril sa isang pampublikong paaralan sa Tacloban City kungsaan apat na estudyante ang nasawi at 22 ang sugatan.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Analiza Armeza, hepe ng Public Information Office ng Police Regional Office 8 (PRO 8), inihain ang reklamo sa Prosecutor’s Office gabi ng Martes.
“We already have filed the criminal complaint against the CICL (child in conflict with thaw law) who is above 15 years old last night with the Prosecutor’s Office,” ani Armeza.
Ang 15-anyos na “batang kriminal” ay isa sa dalawang estudyanteng nasa kustodiya ng mga awtoridad matapos ang pamamaril sa San Jose National High School sa Barangay San Jose noong Hunyo 22. Ang isa pang sangkot ay 14-anyos.
Sinabi ni Armeza na kabilang sa mga anggulong sinusuri sa imbestigasyon ang bullying, nguni’t nasa hurisdiksiyon na ng Prosecutor’s Office ang pagtukoy sa motibo ng krimen.
“‘Yan (bullying) ang isang tiningnan sa conduct ng investigation. Actually kahit naman na-file na siya with the Prosecutor’s office, for a comprehensive approach and formulation of intervention, kasi magiging part naman din ‘yung Philippine National Police dito, other motives are taken into consideration,” aniya.
Kinumpirma rin ng pulisya na nakausap na nila ang babaeng pulis na may-ari ng ba-ril na ginamit sa insidente. Kasalukuyan itong nasa restrictive custody, tinanggal sa kanyang designation, at sumasailalim sa administrative investigation.
Na-turn over narin sa City Social Welfare and Development Office ng Tacloban City ang dalawang menor de edad na sangkot sa insidente.
Samantala, ayon sa pulisya, nasa stable condition na ang mga sugatang mag-aaral.
Pinag-aaralan narin ng mga awtoridad ang posibilidad na magsampa ng kaso laban sa mga magulang ng mga sala-ring menor de edad.
Kasabay nito, pinaigting ng PNP ang police presence, foot patrols, at koordinasyon sa mga paaralan, PTA, at mga lokal na opisyal upang maiwasan ang kahalintulad na insidente.(Boy Celario)