Advertisers

Advertisers

Ibay: 10 CCTV sa bawat brgy. kontra krimen

0 4

Advertisers

Upang mas mapaigting pa ang peace and order sa lungsod, kinakailangan ang 897 Barangays sa Tondo na magkabit ng 10 CCTV o closed circuit television sa kanilang nasasakupan bilang hakbang kontra krimen.
Sa pakikipag-ugnayan ng Manila City Hall Press Club kay Manila District 1 Councilor Rosalino ‘Jhun’ Ibay na siyang Chairman ng Committee on Peace and Order and Public Safety, malaki ang maitutulong ng naipasang City Ordinance No. 9152 o Barangay CCTV Ordinance of 2025 para sa seguridad ng bawat komunidad.
Si Ibay din ang principal author ng ordinansa at makakatuwang ng bawat Barangay ang Manila Police District (MPD) sa paglalagay ng CCTV sa mga strategic na lugar kung saan kadalasan nangyayari ang krimen.
Aniya, magiging responsibilidad naman ng bawat opisyal ng barangay ang pagbili o paglalagay ng CCTV gamit ang sarili nilang pondo.
Kung hindi maipatupad ng maayos ng Barangay chairman ang ordinansa, mananagot sila at masuspindi kapag nagpabaya sa pagbabantay at pagmomonitor.
Bukod dito, hindi lamang para sa pagbabantay ng krimen ang paglalagay ng CCTV kungdi makakatulong din ito sa ibang bagay na magbebenepisyo ang baqat Manileño. (Jocelyn Domenden)