Advertisers

Advertisers

Senado may kapangyarihan na buksan ang BIR records ni VP Sara – Rep. Ridon

0 13

Advertisers

KUMPIYANSA si House prosecutor at Bicol Saro Rep. Terry Ridon na may sapat na kapangyarihan ang Senate impeachment court upang buksan ang nakaseelyong kahon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na naglalaman ng mga tax record ni Vice President Sara Duterte, ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio, at ng kanilang mga negosyo.

Ayon kay Ridon, ang impeachment proceedings ay hiwalay na prosesong konstitusyonal kaya hindi kinakailangang umasa sa mga eksepsiyong nakasaad sa BIR Code upang mabuksan ang mga dokumento.

Dagdag pa nito, na unang lumitaw ang usapin sa House Justice Committee nang magpahayag ng pangamba ang BIR sa paghawak ng mga tax record.



Gayunman, iginiit ng ilang mambabatas na ang impeachment ay hindi isang legislative inquiry kundi hiwalay na tungkulin ng Kongreso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">