Advertisers

Advertisers

Atasha Muhlach ‘di ginamit ang kasikatan ng parents para maging ‘Annie Batungbakal’

0 9

Advertisers

By Anne Venancio

Pinatunayan ni Atasha Muhlach na hindi lang apelyido ang puhunan sa showbiz, kundi sipag at dedikasyon sa bagong hamon sa kanya sa Bongga Ka Day! The Annie Batungbakal Musical.

Natutunan umano nila ng kanyang kambal na si Andres Muhlach sa kanilang parents na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na walang shortcut sa tagumpay, lahat ay pinaghihirapan.

Hindi naging madali para kay Atasha ang pagganap bilang Annie Batungbakal. Aniya, dumaan siya sa audition process at ilang buwan preparasyon. Araw-araw umano siyang nagwo-workshop sa singing, dancing, at acting upang makuha ang role.

Aminado rin siyang kinailangan niyang mag-research dahil hindi siya lumaki sa dekada ’70, kaya’t inaral niya ang mundo ng karakter para maging mas authentic ang kanyang pagganap.

Diretsahan din niyang sinabi na hindi kailanman naging opsyon ang paggamit ng pangalan ng pamilya para makakuha ng proyekto. Para kay Atasha, mas mahalaga ang respeto sa sariling pinaghirapan kaysa sa anumang impluwensya.