Advertisers

Advertisers

Jed Madela at Mark Bautista, Naghatid ng Di-Malilimutang Gabi sa Matagumpay na “Moonlight Serenade”

0 3

Advertisers

By Mercy Lejarde

Super successful ang naganap na concert na “Moonlight Serenade” na ginanap sa The Manila Hotel noong June 30, 2026. Pinahanga at pinasaya ng mahuhusay na singer na sina Jed Madela at Mark Bautista ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanilang kahanga-hangang pagtatanghal.

Punong-puno ng saya ang gabi habang inaawit ng dalawa ang kanilang mga paboritong awitin—mula sa mga nakakakilig na ballad hanggang sa mga danceable songs na nagpasayaw at nagbigay ng magandang energy sa buong venue.

Hindi lamang ang musika ang naging highlight ng gabi dahil nasiyahan din ang mga bisita sa masarap na dinner na inihanda ng The Manila Hotel. Inihain ang espesyal na menu na binubuo ng steak, pink salmon, gulay, kanin, at masarap na dessert na mango crepe.

Samantala, ibinahagi ni Karl Paner, anak ng veteran actress na si Daisy Romualdez, ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at sumuporta sa matagumpay na musical show na “Moonlight Serenade.”

Sa kanyang social media post, binati ni Karl ang kanyang ina sa naging tagumpay ng nasabing pagtatanghal at nagpasalamat sa mga artistang nagbigay ng kanilang talento sa show.

“About last night. Congratulations, Mamita Daisy Romualdez, on the successful show Moonlight Serenade,” saad ni Karl.

Nagbigay rin siya ng espesyal na pasasalamat kina Jed Madela at Mark Bautista sa kanilang kahanga-hangang performances.

“I would also like to thank Ninong Mark Bautista and Kuya Jed Madela for showing your talent. Me and my family were blown away with your beautiful songs and serenade,” pahayag niya.

Nagpasalamat din si Karl kay Atty. Salvador Panelo, na tinawag niyang “Sal Panalo,” sa pagdalo at pagbabahagi ng kanyang talento sa show.

Ayon pa kay Karl, nagpapasalamat sila sa lahat ng dumalo at naging bahagi ng isang espesyal na gabi.

“From our producer to me, Arthemis, the mini producer of the show, we thank everyone who came and witnessed history in the making,” ani Karl.

Hindi rin nakalimutan ni Karl na pasalamatan ang mga sponsors at partners ng Moonlight Serenade na naging malaking bahagi ng tagumpay ng programa.

Kabilang dito ang The Manila Hotel, FreeNow Barista Coconut, (PCSO), at D.R. Productions Incorporated.

Nagpasalamat din si Karl sa lahat ng tagasuporta at sponsors ng nasabing show sa kanilang patuloy na suporta, tiwala, at pakikiisa na naging malaking bahagi ng tagumpay ng Moonlight Serenade.

Ang Moonlight Serenade ay sa ilalim ng musical direction ni Butch Miraflor at direksyon ni Miggy Tanchanco.