Advertisers

Advertisers

TEDDY NAGPAHAYAG NG. OPINYON SA PAGBABAWAL NG VIDEO GAMES

0 4

Advertisers

By Beth Gelena

Nagpahayag ng opinyon si Teddy Corpuz laban sa panawagang ipagbawal ang mga violent video games.

Sinabi niya na bilang isang matagal nang gamer, hindi niya naranasan na maging marahas dahil lamang sa paglalaro.

Binanggit pa niya: “Naglalaro ako ng Call of Duty pero okay naman ako. Okay naman mental health ko at anger management ko.”

Para kay Teddy, mas malalaking isyu ang dapat tutukan kaysa sa simpleng pagbabawal ng mga laro. Kabilang sa mga binanggit niya ang:

Mas maayos na sistema ng edukasyon

Mas mahigpit na seguridad sa mga paaralan

Responsableng pagmamay-ari ng baril

Mas mabuting paggabay ng mga magulang

Nagbigay rin siya ng halimbawa na kahit sa basketball ay may mga insidente ng karahasan dahil sa init ng kompetisyon.

Aniya, kung ganoon ang lohika, hindi naman ibig sabihin na dapat na ring ipagbawal ang basketball.

Sa huli, kinuwestiyon niya kung talagang mawawala ang mga krimeng kinasasangkutan ng mga menor de edad kung ipagbabawal ang violent video games.

Para sa kanya, maraming dapat pag-aralan at ayusin, at hindi sapat ang pagbabawal bilang solusyon.

Ang pahayag ni Teddy ay tugon sa panukala ni Jonvic Remulla na pag-aralan ang permanenteng pagbabawal sa mga mararahas na online games dahil sa pangambang maaari itong makaapekto sa pag-uugali ng kabataan.

Sa kasalukuyan, panukala pa lamang ito at wala pang batas na nagbabawal sa violent video games sa Pilipinas.