Advertisers
By Dominic Rea
Bakit kaya kapag nagkaka-lovelife ang isang babae o lalake, partikukar sa mga celebs, it’s either nawawala sa sirkulasyon, ayaw ng tumanggap ng projects, maraming dahilan ng ayaw at parang mga nagtatago at tinatakasan ang mga biyaya sa showbiz. Naku.
Marami nang ganyang mga eksena akong nakita sa showbiz at yung karamihan sa kanila, sa bandang huli ay nagsisi! Dahil nga, inuna ang pagkahumaling sa pag-ibig at sa madaling salita ay napabayaan na ang career. Pero bilib ako kay kena Daniel Padilla at Kaila Estrada huh! Aba! Super in-loved! Pero kapag trabaho, trabaho sila to the max! Nakikita man sila sa piling public places, pagdating sa tawag ng trabaho ay umaariba sila noh!
Pero balita namin, si Daniel ay namimili naraw ng gagawing project at kapag hindi niya gusto, hindi! Ganyan naraw ang drama ni Daniel ngayon! Kapag gusto, gow! Kapag ayaw, nga nga raw ang lahat kahit milyones pa ang offer! Kunsabagay, sa totoo lang, may karapatan na siyang umayaw at humindi. Narating na nito anf tugatog ng kanyang karera at napapanahon na rin upang mamili na rin siya ng kanyang gustong proyekto noh! Kumbaga, may karapatan siyang mag-inarte! Period!
KATHRYN BERNARDO AT JAMES REID, PAPATOK KAYA ANG LATEST PROJECT NA SOMEONE, SOMEDAY ?
Mukhang question- mark parin until now kung papatok ba ang tambalang Kat at James sa latest series nilang Someone, Someday! Susuportahan kaya ito ng fans and followers nina Kath at James?
Aariba kaya sa ratings ang tambalang ito na diumano ay hinimay at pinaganda ang istorya para lang sa dalawa? Sabi pa ng aking kausap, magkakaalaman na this time dahil noong panahong patok na patok pa ang KathNiel ay tambalang James at Nadine naman that time ang halos kasabay nila!
May kanya-kanyang followers naman sina Kath at James kaya sigurado naman daw ang aking kausap na magiging malakas ito! Well, Kath is Kath at James is James! Ang tanong, papatok kaya? Yun na!