Advertisers

Advertisers

Coco Martin ipinasok ang ex-gf na si Katherine Luna sa bago niyang serye

0 2

Advertisers

BY ROMMEL PLACENTE

SA panayan ni Ogie Diaz kina Coco Martin at Julia Montes, para sa kanyang YouTube channel, napag-usapan ang past nina Coco at Katherine. Luna.

Naging malaking isyu noon sa mundo ng showbiz nang sabihin ni Katherine na si Coco ang tatay ng kanyang anak.

But nagsinungaling lang pala ang dating aktres dahil base sa resulta ng DNA test, napatunayan na hindi anak ni Coco ang bata.

Sa isang episode ng YouTube channel ng broadcast journalist at news anchor na si Julius Babao, humingi ng tawad si Katherine kay Coco.

“Noong pinapanood na namin si Kath, na-touch talaga ako nu’ng humingi siya ng sorry.

“Kumbaga sabi ko, sino ba naman ako na humihingi ng tawad sa ‘yo ‘yung tao after all kahit gaano kasakit,” ang pahayag ni Coco.

Mas na-hurt daw ang lola niya sa mga sinabi noon ni Katherine laban sa kanya kaya noong nagdesisyon siyang tulungan ang kanyang ex-partner kinausap muna niya ito.

“Sabi niya, ‘Tulungan mo.’ Gusto ko ipagamot ‘yong mata, ipaayos ko. Tapos sabi niya, ‘Sige.’ Kaya pina-contact ko agad. Tinawagan namin,” saad ng aktor.

Bukod sa kanyang lola, kinausap din ni Coco si Julia na siyang nagha-handle ng pera at finances niya. At in fairness, wala raw tanong-tanong na naglabas ng pera si Julia para kay Katherine.

“Nakikita ko kasi ‘yung kagandahan ng puso ni Juls (Julia). Walang pag-aalangan na ‘Uy, baka magkano ‘yan.’

“Kaya all the way kung ano man ‘yung nakikita ko, naiisip ko paano ulit makakabangon si Kath, talagang lahat. Hanggang sa pinasok namin sa ‘Sigabo,’” ani Coco na ang tinutukoy ay ang bago niyang action serye.

In fact, sey pa ng award-winning actor, si Julia pa raw ang yumakap kay Katherine nang magkita sila sa set ng “Sigabo.”