Toni, Mommy Pinty At Daddy Bonoy Ipinagpasalamat Sa Diyos Ang Pagbubuntis Ni Alex Gonzaga; Rozz Daniels Muling Bibida Sa Concert Sa New Music Box Comedy Bar Ngayong July 15, Mga Fans At Supporters Manonood
Advertisers
By Peter S. Ledesma
Dati ay sa awa sa younger sister na si Alex Gonzaga. Kinausap ni Toni Gonzaga ang husband si Direk Paul Soriano na ipahiram nila si Baby Polly kay Alex. At madalas ngang makita sa bahay ni Toni si Alex na nakikipaglaro kay Polly at Seve.
At ngayong finally ay buntis na si Alex siyempre sa husband si Lipa City Vice Mayor Mikee Morada. Maliban sa kanilang parents na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy ay mga kaanak. Isa sa pinakamasaya sa milagrong blessings ng Diyos kay Alex ay si Toni. Na binigyan ng surprise Grand Baby Shower si Alex sa sikat na Events Place sa Taguig na naging star-studded. At mensahe pa ni Toni, sa kapatid.
“After years of hope and prayers, we finally got to celebrate Alex, Mikee, and the little blessing we’ve been waiting for.” Yes walang sawang ipinagdasal ni Toni, Mommy Pinty, at Daddy Bonoy ang kanilang minamahal na si Alex na finally ay nakabuo na ng baby Morada nila ni VM Mikee sa pamamagitan ng natural pregnancy. At sa tulong nga ng prayers ng lahat ng mga nagmamahal sa kanya, pag-inom ng regular ng Chef Ayb’s Paragis herbal tea at take daily ng capsule nito plus Alex OB Gyne na expert sa “Fertelity.” Inumpisahan ang Baby Shower sa prayers led by Daddy Bonoy and Mommy Pinty.
At ang mga kapwa celebrity at social media influencers na dumalo at nakisaya kay Alex sa kanyang Baby Shower ay ang mag-mommy Julia at Marjorie Barretto, couples Luis Mamzano and Jessy Mendiola, Melai Cantiveros & Jason Francisco and their kids. Dumating din si Mariel Rodriguez na both close to Alex and Toni. Kasama rito ni Mariel ang mga anak nila ni Sen. Robin Padilla, social media influencers Toni Fowler, couple Cong TV & Viy Cortez, Etc. Nagsilbing host naman sa event sina Bayani Agbayani at Wacky Kiray. Nasa party rin ang parents ni Mikee at both partidos nila ni Alex at Mikee. Blue teddy bears ang give-away sa mga bisita. At yes, excited na ang lahat sa pagdating ni Baby Morada. Congratulations Alex and VM Mikee.
***
Ang “MEET THE STARS” Concert sa The New Music Box, ay pangatlong concert na ng “Pop Rock Diva of the Philippines” na si Rozz Daniels. Unang nagdaos ng kanyang solo concert sa Viva Cafe si Rozz at ginanap ito last Nov 2025. Sinundan naman ito ng Mini-Concert sa D’ Malate Cafe Resto Bar bilang suporta ni Rozz sa Balik Eskwela Charity Program na si Benny Andaya. At very successful ang nasabing show at maraming napasaya si Rozz na naging special guest pa ang kaibigang iconic composer na si Doc Mon Del Rosario.
Well, dito sa July 15 Concert ni Rozz sa New Music Box Comedy Bar ay makakasama niya ang kapwa international singer na si Gerald Santos with Jovan David and other special guests. Si Direk Benny Andaya ang producer at director ng concert ng alagang si Rozz. As usual, bilang siya ang main attraction sa said concert ay hahandugan ni Rozz ang kaniyang mga audience ng 15 songs na kabilang siyempre ang pino-promote niya ngayong bagong single Revival na “Bulong Ng Damdamin” na in all fairness marami na ang mga nagkakagusto. At patagal na patagal ay paganda nang paganda na pakinggan ang 2026 version ng song na ito ni Rozz na binigyan nila ng bagong tunog ng composer na si Doc Mon. May mga bagong kakantahin rin si Rozz at may dance number sila ng kasing pretty niyang pamangkin na si Monica Torregosa-Santos sa concert.
Samantala, naka-ready na ang mga kapatid at mga kamag-anak ni Rozz sa Otis Paco, Manila at ang kanyang fans, na suportahan siya sa bago niyang concert. Also her loving and number one fan husband Sir David Daniels na all-out ang support lagi kay Rozz. At bongga, dahil with matching t-shirts kaming lahat na nagmamahal sa Independent Concert Queen at Revival Queen na si Rozz, na kaniyang ipinagawa para sa aming lahat. And I’m very-very sure na SRO, ang Meet The Stars Concert na ito ni Rozz Daniels na P1K ang ticket price sa New Music Box Comedy Bar on July 15 at 8 PM onwards.