Advertisers

Advertisers

Juday gaganap bilang Nora Aunor

0 3

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee ang tungkol sa upcoming passion project na gagawin niya.

Ito ay isang biopic at tribute sa namayapang director at kapuwa National Artist na si Ishmael Bernal.

Tatalakay ang biopic tungkol sa buhay at sining ni Ishma at ng mga importanteng taong tumatak sa karera ng respetadong filmmaker.

Sa cast, kasama si Judy Ann Santos bilang Nora Aunor samantalang ang talentado at award-winning actor na si Jericho Rosales ang magbibigay-buhay sa papel ni Bernal.

Nagbabalik naman sa pag-arte si Atom Araullo pagkatapos ng “Citizen Jake” para gampanan ang role ni Spanky Manikan .

Ang kaibigan at paboritong aktres ni Ishma na si Rita Gomez ay ipo-portray namang ni Iza Calzado samantalang ang papel ni Bernardo Bernardo ay nakatoka kay John “Sweet” Lapus.

***

Fajardo, binigyan ng R-16 rating ng MTRCB

Binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng R-16 rating ang Silenced Nights, isang pelikula ni Law Fajardo.

Ang Silenced Nights ay nakatakdang ipalabas sa mga teatro sa Setyembre 16.

Kinabibidahan ito nina Lotlot de Leon, Ina Feleo, at ni MTRCB member at Atty. Nico Antonio, kasama rin sina Tanya Gomez, Joel Saracho, Dylan Ray Talon, Mario Magallona, Rom Factolerin, Aquisha Tombiga, at Jorrybell Agoto.

Ang tagline ng Silenced Nights ay, “Where fear prevails, justice is silenced.”

Ayon sa website ng MTRCB, tinatalakay ng Silenced Nights ang tema ng extrajudicial killings (EJKs) at iba pang paksa.

Naglalaman din ito ng “graphic but non-gratuitous depiction of violence and gore, language, non-gratuitous depiction of drugs or their use” na maaaring hindi angkop para sa mga manonood na wala pang 16 taong gulang at pababa.

Ang kaabang-abang na pelikulang ito ay isinulat ni Troy Espiritu, kasama sina Patricia Sumagui at Ferdy Lapuz bilang producer.

Ang local producer nito ay Quantum Films, Inc. kasama ang House on Fire International (Taiwan) at House on Fire (France).

Sa isang pahayag, hinikayat ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto ang mga Pilipinong manonood na suportahan at tangkilikin ang Silenced Nights, lalo na at ito ay gawang Pilipino.

Ang R-16 rating na ibinigay sa Silenced Nights ay nangangahulugan na angkop itong ipalabas sa mga manonood na may edad 16 at pataas.
“Pinapaalahanan namin ang mga magulang at guardian na alalahanin ang mga rating ng MTRCB sa pagpili ng mga content na angkop panoorin ng mga miyembro ng ating mga pamilya base sa kanilang edad at lebel ng pang-unawa,” sabi ni Sotto.
“Bahagi ng Responsableng Panonood ang paggabay sa ating mga anak sa content na kanilang pinapanood at pagpaliwanag sa kanila ng mga isyu sa paraan na maiintindihan nila,” dagdag niya.