Advertisers

Advertisers

Single na “Goodbye For Now” ni Honey Love Johnson, target maging new graduation anthem

0 7

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

AVAILABLE na ang dalawang latest singles ng newbie singer na si Honey Love Johnson titled “Wait Lang” at “Goodbye For Now” na released ng Star Music.

Ginanap ang launching nito sa Music Box sa Quezon City last week. Present dito sina Direk Perry Escaño na sumulat ng dalawang kanta at nagdirek ng music video nito. Sina Bo Bautista at Celyn David ay bahagi ng music video, ngunit hindi umabot si Celyn sa naturang media launch dahil sa prior commitment.

Si Honey Love ay 11 years old at isang budding recording artist na nasa pangangalaga ng Gleam Artists Management at MPJ Entertainment Productions.

Nabanggit niya ang naramdaman nang unang nalaman ang tungkol sa kanyang two singles.

Wika ni Honey Love, “For my reaction, like, I felt like really excited to shoot (the music videos), to record (the songs), and to watch (everything come together). Honestly, it took a lot of progress, but I really love how it turned out. I’m just really glad and very happy about it.”

Dahil may halong rap ang kanyang kanta, natanong din ang bagets kung saan siya mas komportable, sa singing or sa rapping?

“For me, I love rapping… but actually, I prefer both,” matipid na tugon niya with matching giggle pa.

Ayon naman kay Direk Perry, ang Goodbye For Now ay naisulat niya noong panahon ng Covid-19 pandemic.

Aniya, “Noong namatay ang very close friend ko during pandemic, doon ako nag-start na sulatin iyong Goodbye For Now. Kasi, ang dami naming pinagsamahan… I asked help sa kaibigan kong arranger na si Peter Soria.

“I think siguro it’s time na, maganda na rin siguro kung iyong new generation na may puwede nating kantahin during graduation. Kasi parang wala na tayong bagong grad song, eh. So, I think this is the right time siguro na we have a new song, fresh, na Goodbye For Now na si Honey Love Johnson iyong kumakanta.”

Incidentally, sa music video ng nasabing kanta, makikita na tinalakay din ang hinggil sa bullying sa school. Kaya makaka-relate talaga ang mga estudyante sa song na ito.

Anyway, ang mga kantang Wait Lang at Goodbye For Now ni Honey Love ay streaming na ngayon sa Star Music’s YouTube channel, Spotify, Apple Music, iTunes, Deezer at iba pang digital music platforms.