Advertisers

Advertisers

Erik Santos special guest sa “Aquinse” concert ni Angeline Quinto

0 5

Advertisers

By Anne Venancio

Makakasama ni Angeline Quinto ang kapwa OPM powerhouse na si Erik Santos bilang special guest sa kanyang inaabangang “Aquinse” concert na gaganapin sa Agosto 22 sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Inanunsyo ito ng Star Music sa pamamagitan ng social media post noong Martes ng gabi.

“Joining Angeline Quinto on stage is the one and only Erik Santos! Get ready for an evening of timeless OPM hits, unforgettable performances, and musical moments you won’t want to miss,” ayon sa Star Music.

Inaasahang magiging isa sa mga tampok ng concert ang muling pagsasama sa iisang entablado nina Angeline at Erik, na kapwa kinikilala sa kanilang makapangyarihang tinig at mga OPM hit.

Ang “Aquinse” ay bahagi ng pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ni Angeline sa entertainment industry. Bukod sa kanyang mga pinasikat na awitin, inaasahan ding maghahandog siya ng mga espesyal na pagtatanghal kasama ang mga guest performers.

Matatandaang noong unang bahagi ng taon ay muling pumirma ng kontrata si Angeline sa Star Music. Noon ay ibinahagi niyang excited siyang maglabas ng panibagong musika at makapagdaos ng mas maraming concerts ngayong 2026. Ang “Aquinse” ang isa sa pinakamalaking handog niya bilang pagdiriwang ng kanyang 15-taong matagumpay na karera sa industriya.