Advertisers

Advertisers

Herlene Budol pangarap din maging bride

0 3

Advertisers

By Anne Venancio

Susubok sa horror genre si Herlene Budol bilang bida sa pelikulang “Haunted Bride,” isa sa mga unang handog ng bagong streaming platform na Star SineMax. Makakatambal niya rito ang veteran actor na si Mon Confiado.

Sa launch ng Star SineMax, ibinahagi ni Herlene na kakaiba ang kanyang karakter sa pelikula. Gagampanan niya ang papel ng isang bride na parehong tao at multo.

Inamin ng actress-host na nanibago siya sa paggawa ng horror film dahil mas mahirap pala ang manakot kaysa magpatawa.

Bukod sa bagong proyekto, sinabi rin ni Herlene na positibo siya sa pagpasok ng mga pelikula sa streaming platforms dahil mas marami itong maaabot na manonood.

Tinanong din siya tungkol sa kanyang personal na buhay. Ayon sa aktres, masaya ang kanyang puso sa kasalukuyan at naniniwala siyang darating ang tamang tao sa tamang panahon. Pangarap din niyang magkaroon ng church wedding balang araw, bagama’t pabiro niyang sinabi na sana ay hindi ito sa isang haunted na simbahan.

Nagbigay rin siya ng pahiwatig na muli silang magsasama ng Thai-Irish actor na si Kevin Dasom sa isa pang proyekto sa ilalim ng Star SineMax.

Samantala, bukas pa rin si Herlene sa posibilidad ng pagbabalik sa pageantry, ngunit sinabi niyang mangyayari lamang ito kapag dumating na ang tamang panahon. Habang abala sa kanyang bagong pelikula, napapanood din siya bilang isa sa mga host ng weekday countdown variety show na “TiktoClock.”
ertainment industry at isang proyektong tiyak na magpapasaya sa buong pamilya.