Advertisers

Advertisers

Proud Katoliko Ako!

0 3

Advertisers

Bukod kina Pinay tennis sensation Alex Eala at soccer great Lionel Messi ay marami pang sikat na mga atleta sa buong mundo ang ipinagmamalaking Katoliko sila.

Si Alex na kababalik lang nitong Linggo sa Maynila ay parating may dalang rosaryo sa kanyang bag. Panay din ang dasal ng Ama Namin sa mga laban.

Ang may fan meet bukas sa Glorietta Activity Center sa Makati ay nag-aral sa Immaculate Concepcion Academy sa San Juan at sa Colegio de San Agustin sa Makati.

Samantala si Lionel na pasok sa semis ng 2026 World Cup ay parating nagkrukrus pagka-iskor ng goal. Tapos ay tila nagpapa-flying kiss sa langit.

Siyempre sina Eala at Messi ay mula sa mga bansa kung saan mayorya ay mga Katoliko Romano.

Ang isa pang kababayan na nakaginto sa Olympics na si Hidilyn Diaz ay practicing Catholic din. May mga nominal na lang kasi ngayon.

Sa Tokyo noong 2021 ay nakasuot siya ng Our Lady of Miraculous Medal at madalas niya banggitin na ang pananalig niya sa Diyos ang naghatid sa kanya sa tagumpay.

Ganoon din ang relihiyon ni Carlos Yulo, ang ating gold medalist sa gymnastics.

Ang walo pang ito sa listahan ay galing Estados Unidos na dominado ng mga non-Catholic.

Yung isa sa Top 5 NBA Player of all time na si Kobe Bryant ay deboto rin.

Regular parishioner ang Laker legend sa Our Lady Queen Angels sa Newport Beach sa,California. May nagsasabi pang nagsimba siya doon ilang oras bago ang trahedya na ikinasawi niya.

” My faith strengthens me especially during critical times, ” eka niya dati sa isang pahayag.

Ikinasal sila ni Vanessa sa St Edward the Confessor Church sa Dana Point taong 2001.

Si Caitlin Clark, ang pinakapopular na WNBA cager ay lumaki ring Katoliko sarado at kini-credit niya dito ang Dowling Catholic High School sa Wes Dies Moines sa Iowa..

Nasa mahabang list din sina gymnast Simone Biles, quarterback Tom Brady, swimmer Katie Ledecky, long distance runner Cole Hocker, footballer Harrison Butker at baseball catcher Mike Piazza

Narito pa ibang hayagan na mga miyembro ng simbahang pinamumunuan ng Papa sa Roma.

Sila sina figure skater Yuna Kim ng South Korea, midfielder Andres Iniesta ng Spain, ice hockey center Sidney Crosby ng Canada, soccer star James Rodriguez ng Columbia at goalkeeper Gianluigi Buffon ng Italy.

Ire namang si LeBron James na bagama’t produkto ng St Vincent-St Mary Catholic School sa Akron, Ohio ay hindi malinaw kung aktibo pa rin sa Katolisismo.

Nawa’y maka-inspire pa ang mga pangalan nasa talaan ng iba pang mga manlalaro.

***

Si Rui Hachimura na kasapi na ng LA Clippers ay isang halimbawa na bata pa nguni’t sa halip na tumaas ang sahod ay bumaba pa.

Ang 28 años na Japanese- American forward ay kapipirma lang ng 2 year $14 M kada taon na kontrata pero team option ang 2nd.Huling suweldo sa pinaggalingang Lakers ay $18M na.

Nagsimula siya bilang rookie noong 2019 sa Wizards na ang kita ay $4M lang.

Di bale kung mahigit 30 o past your prime na. Si Rui nasa peak pa ng career eh

***

Tatatbo ba si Leni Robredo? Sasagutin natin yan sa susunod na pitak. Abangan!